^

Metro

Pulis niratrat habang patungo sa mosque, kritikal

-
Hindi na nagawa pang makarating sa kanilang mosque para sumamba ang isang tauhan ng pulisya nang ratratin ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa New Era Hospital na si SPO4 Abdulajid Hamdam, nakatalaga sa district drug enforcement unit ng Quezon City Police at residente ng 121 Libyan St., Barangay Culiat ng nabanggit na lungsod. Ito ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa likod.

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw nang patungo umano ang biktima sa Al Salam Mosque para sumamba. Lingid sa kanyang kaalaman isang hindi kilalang lalaki ang sumusunod sa kanya na nang makakuha ng tiyempo ay agad na pinaulanan ng bala ng baril ang nabanggit na pulis.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso bagamat malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa mga kasong hawak ni Hamdam ang naganap na krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ABDULAJID HAMDAM

AL SALAM MOSQUE

ANGIE

BARANGAY CULIAT

CRUZ

HAMDAM

LIBYAN ST.

NEW ERA HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with