^

Metro

Magbiyenan tiklo sa shabu

-
Inaresto ng pulisya ang isang magbiyenan nang maaktuhan ang mga ito na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy bust operation kamakalawa sa Malabon City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Evelyn Navarro, 43, at ang manugang nitong si Marilyn Navarro, 33, kapwa residente ng Adante st., Brgy. Tañong.

Ayon kay PO2 Joel Fernandez, dakong alas-4 ng hapon nang arestuhin ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay nang bentahan nito ng shabu ang isang kagawad ng pulisya na nagpanggap na buyer.

Sinabi ng pulisya na matagal nang inirereklamo ng mga residente ang magbiyenan.

Isang linggong surveillance operation ang ginawa ng Drug Enforcement Unit bago isinagawa ang buy bust na ikinaaresto ng magbiyenan. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ADANTE

AYON

BRGY

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EVELYN NAVARRO

GEMMA AMARGO

INARESTO

JOEL FERNANDEZ

MALABON CITY

MARILYN NAVARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with