^

Metro

Sulit na anak tinodas ng sariling ama

-
Isang 55-anyos na ama ang nagwala at pumatay sa kanyang sariling anak nang hindi payagan ng una na umalis ng bahay ang huli sa isang lugar sa Velenzuela City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Fernandino Floreno ng Alley 111, Palasan ng nasabing lugar.

Ang biktima ay nakilalang si Geraldine, hiwalay sa asawa at nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagtanim ng galit si Floreno sa kanyang anak nang iwanan siya nito para dalhin ang mga anak ng huli sa ospital para magpagamot.

Nabatid pa sa ulat, hindi nagustuhan ng suspek ang ginawa ng anak dahil natakot itong baka siya ang atakihin at walang mag-asikaso sa kanya.

Sinabi ng pulisya, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang makitang natutulog ang biktima galing sa ospital sa tindi ng galit dahil iniwan siya, kumuha ito ng kutsilyo at pinagsasaksak si Geraldine. (Ulat ni June Trinidad)

vuukle comment

AYON

FERNANDINO FLORENO

FLORENO

GERALDINE

ISANG

JUNE TRINIDAD

KINILALA

NABATID

PALASAN

VELENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with