^

Metro

Koreanong rapist ng maid hinahanting ng pulis

-
Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng pamunuan ng Central Police District Office (CPDO) para sa ikadarakip ng isang Koreano na gumahasa sa kanyang katulong.

Nagreklamo sa tanggapan ni P/Supt. Rosendo Franco, ang biktimang si Armie, 19, katulong ng suspek na si Kim Won Gang,48, may-asawa.

Batay sa salaysay ng biktima naganap ang panggagahasa dakong alas-10 ng umaga noong Pebrero 12 sa bahay ng nasabing Koreano sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa biktima, abala siya sa paglilinis ng bahay nila ng bigla siyang hilahin ni Gang at paghihipuan sa mga maseselang bahagi ng kanyang katawan.

‘‘Hindi pa siya nasiyahan binuhat ako ni Gang at dinala sa kanyang kuwarto at ginahasa,’’ anang biktima.

Sinabi ni Armie na matapos siyang gahasain ng kanyang amo ay kinulong siya sa kanyang kuwarto at tinakot na huwag magsusumbong.

‘‘Buti na lang may susi ako kaya mabilis akong nakalabas at nakapagsumbong sa mga pulis,’’ sabi ni Armie sa mga reporters na kanyang nakausap. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

ARMIE

AYON

BATAY

BUTI

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE

CUBAO

JHAY MEJIAS

KIM WON GANG

KOREANO

QUEZON CITY

ROSENDO FRANCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with