^

Metro

Cafe bar hinoldap, hinagisan ng granada, di pumutok

-
Mabilis na nakaresponde ang mga elemento ng Special Weapons and Tactics Unit (SWAT) at gumawa ng paraan upang hindi sumabog ang isang granada na inihagis ng dalawang armadong lalaki na nangholdap sa isang café bar, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na pinasok ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang Tubbies Café sa may Cristina Bldg. sa panulukan ng Herrera at Legaspi Sts. dakong alas-10:15 ng gabi.

Pinadapa ang mga kostumer ng naturang café bar at agad na nilimas ang hindi pa mabatid na laman ng kaha at isa-isang kinuha ang mga alahas, cellphone at salapi ng mga kostumer nito.

Bago tuluyang tumakas, naghagis ng granada ang mga suspect sa pinto ng bar upang mapigilan ang mga taong sumunod sa direksyon ng kanilang pagtakas subalit hindi ito sumabog.

Isang kostumer na hindi nakuhanan ng kanyang cellphone ang agad na humingi ng tulong sa pulisya na agad nirespondehan ng elemento ng SWAT. Maingat na inalis ng mga ito ang naturang granada at idinifuse sa isang ligtas na lugar.

Pinatingnan naman ng pulis ang kanilang photo gallery kina Ruben Sy at Nila Mendiola, mga co-owners ng Tubbies Café at ilang kostumer sa pag-asang may makakilala sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CRISTINA BLDG

DANILO GARCIA

HERRERA

LEGASPI STS

MAKATI CITY

NILA MENDIOLA

RUBEN SY

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS UNIT

TUBBIES CAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with