^

Metro

Postponement ng SK election, tinuligsa ni Roco

-
Ipinagtanggol ni Department of Education (DepEd) Secretary Raul Roco ang karapatan ng mga kabataan sa pagboto matapos na ihayag nito na kailangang matuloy ang Sangguniang Kabataan (SK) election sa darating na Mayo na isinusulong ng pamahalaan na ipagpaliban muna.

Ayon kay Roco, hindi patas para sa may 10 milyong kabataan na nasa pagitan ng edad na 15-21 ang balakin ng pamahalaan dahil sa isa umano itong uri ng pagtatanggol sa karapatan nila. Apektado sa naturang isyu ang mga 3rd at 4th year high school student na nasa hurisdiksyon ng DepEd.

Idinagdag pa ni Roco na kailangan umano ngayon ng bansa ng mga bagong lider na umusbong upang mabago ang sistema ng politika.

Tinuligsa rin ni National Movement for Free Elections (Namfrel) chairman Joe Concepcion ang hakbangin ng pamahalaan na ipagpaliban rin ang barangay elections at isama na lang ito sa national elections sa taong 2004.

Sinabi ni Concepcion, na siya ring barangay chairman sa Barangay Forbes sa Makati na gagawin lamang umano ng mga politiko na bata-bata ang mga kakandidato sa mga barangay upang maging kaalyado nila at makakuha ng boto sa mga ito kapalit ng mga pangako.

Mas mainam umano na hiwalay ang eleksyon ng mga barangay officials dahil sa hindi magiging ‘partisan’ ang mga kandidato. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY FORBES

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

FREE ELECTIONS

JOE CONCEPCION

NATIONAL MOVEMENT

ROCO

SANGGUNIANG KABATAAN

SECRETARY RAUL ROCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with