^

Metro

Grenade explosion: 1 patay 3 sugatan

-
Isang 23-anyos na vendor ang nasawi, samantalang tatlong kaanak nito ang nasa malubhang kalagayan matapos sumabog ang isang granada kahapon sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival nang isugod sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Edgar Ibañez, tubong Surigao del Norte, nakatira sa Brgy. Upper Sucat ng lungsod na ito.

Samantala, ang tatlo pang sugatan ay nakilalang sina Randy Rojo, Ronald Sitoy alyas "Loloy", 19; at Edwin Ibañez, na pawang nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan sa Muntinlupa City Medical Center.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO2 Billy Malarasta ng Police Community Precinct 3, Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 kahapon ng umaga sa Brgy. Upper Sucat, Muntinlupa City.

Nabatid na napulot lamang umano ni Sitoy ang nasabing granada sa labas ng kanilang bahay.

Napag-alaman na nilaro umano nito ang napulot na granada na naging dahilan ng pagsabog.

Dahil dito, nasabugan ang mga biktima na ikinasawi ni Ibañez. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BILLY MALARASTA

BRGY

EDGAR IBA

EDWIN IBA

LORDETH BONILLA

MEDICAL CENTER

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MEDICAL CENTER

MUNTINLUPA CITY POLICE

UPPER SUCAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with