^

Metro

Nightclub sa Sta. Mesa nasunog

-
Isang popular na nightclub sa Sta. Mesa, Manila ang natupok at tinatayang P15 milyong halaga ng ari-arian ang kasamang naabo sa naganap na sunog, kahapon ng umaga sa nabanggit na lugar.

Ang nasunog ay ang Voyager Explorer’s Haven club dating kilala sa tawag na Discovery club, na nasa 3931 Santol St. sa kanto ng Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa.

Base sa mga imbestigador, naganap ang sunog dakong alas-5:06 ng madaling araw at umabot ang alarma sa Task Force Alpha. Nadamay din sa naganap na sunog ang Olympic Bowling Center na nasa taas ng club.

Naapula lamang ang sunog dakong alas-8:30 ng umaga.

Binanggit pa ng mga bystander na isang malakas na pagsabog ang narinig bago nagsimulang lumaki ang apoy. (Ulat ni Mike Frialde)

vuukle comment

BINANGGIT

ISANG

MIKE FRIALDE

NAAPULA

NADAMAY

OLYMPIC BOWLING CENTER

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

SANTOL ST.

TASK FORCE ALPHA

VOYAGER EXPLORER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with