^

Metro

7.2 kilo ng marijuana nasabat sa 3 magkakamag-anak

-
Tatlong magkakamag-anak kabilang ang isang 40-anyos na babae ang naaresto ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng hapon kung saan nasamsam sa kanila ang tinatayang 7.2 kilo ng marijuana sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga naarestong suspect na sina Benita Aquino, 40; pamangkin niyang si Sherwin Aquino,18 at pinsan na si Cris Simbajon, 26, pawang mga residente ng Nueve de Pebrero St., Brgy. Addition Hills.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspect sa Mandaluyong City Jail habang isinampa na ang kaukulang kaso laban sa mga ito.

Ayon kay C/Insp. Roberto Fajardo, hepe ng Drug Enforcement Unit, naganap ang buy-bust operation dakong alas-4:24 ng hapon sa naturang lugar.

Nabatid na matagal nang isinasailalim sa surveillance ang mga suspect ngunit naging madulas ang mga ito sa kanilang operasyon, subalit hindi na sila nakawala sa inilatag na bitag ng pulisya. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADDITION HILLS

BENITA AQUINO

CRIS SIMBAJON

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY JAIL

PEBRERO ST.

ROBERTO FAJARDO

SHERWIN AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with