^

Metro

Estudyante pinagtripan ng 5 fratmen, todas

-
Isa na namang binatilyo ang naging biktima ng marahas na sistema ng fraternity matapos na pagtulungang bugbugin at saksakin ito ng limang kabataan matapos siyang mapagtripan ng mga ito, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang nakilalang si Alexander Austria, 16, estudyante, at residente ng #176 Balubad St., Brgy. Nangka, ng lungsod na ito.

Nakatakas naman ang limang hindi pa nakikilalang suspect na pawang mga teenager din umano matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya, nakatayo umano sa kanto ng Balubad St. ang biktima nang lapitan ng mga suspect. Walang sabi-sabing bigla na lamang umano itong pinalibutan at pagtulungang bugbugin.

Isa sa mga suspect ang naglabas ng patalim at ilang beses na inundayan ng saksak ang biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung saang grupo kabilang ang mga suspect at kung mayroong atraso ang biktima sa mga ito na naging sanhi ng krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEXANDER AUSTRIA

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

BALUBAD ST.

BRGY

DANILO GARCIA

INAALAM

ISA

MARIKINA CITY

NAKATAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with