^

Metro

Mag-asawa pinatay dahil sa 'balato'

-
Dahilan sa hindi pagbibigay ng balato sa ending, isang mag-asawa ang nasawi, samantalang isa pa ang malubhang nasugatan matapos silang pagbabarilin ng kanilang kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Namatay noon din sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mag-asawang sina Salvador, 33, at Ponya Dela Cruz, 30, kapwa residente ng Sityo Sto. Niño, Northbay Boulevard South ng nabanggit na bayan.

Base sa ulat ni SPO2 Danny Ferrer, may hawak ng kaso, dakong alas-8:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa harap ng Rabago Ship Builder na matatagpuan din sa nasabing lugar.

Napag-alaman na bago maganap ang insidente ay tuwang tuwa na nag-uusap ang mag-asawa dahilan sa pagkakapanalo nila ng malaking halaga sa ending ng basketball.

Nagkataon naman na dumadaan ang suspek at narinig ang pinag-uusapan ng dalawa at sabay na lumapit ito sa mag-asawa na nanghihingi umano ng balato subalit tinanggihan ito ng dalawa.

Dahillan dito kung kayat nainis umano at napahiya ang suspek at mabilis na bumunot ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at pinagbabaril ang mag-asawa, samantalang tinamaan naman ng ligaw na bala si Carlito Gonzales na noon ay ilang metro lamang ang layo sa kanila.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek na mabilis na tumakas dala ang ginamit na baril matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CARLITO GONZALES

DAHILAN

DAHILLAN

DANNY FERRER

GEMMA AMARGO

NAGKATAON

NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

PONYA DELA CRUZ

RABAGO SHIP BUILDER

SITYO STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with