Lolo nalungkot sa ampunan, nagbigti

Isang 63-anyos na lolo ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ng isang nylon cord, kamakalawa ng hapon sa loob ng Golden Acres Home for the Aged Misamis Extension sa Bago Bantay, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Hipolito Asuncion, tubong Vigan, Ilocos Sur.

Natagpuan ang labi ni lolo Hipolito sa loob ng comfort room ng Golden Acres ganap na alas-3 ng hapon ng isang kasamahan nito na nakilalang si Alfredo Dolitod.

Sinasabing matagal na umanong may hinanakit sa kanyang pamilya ang nasawing matanda dahil matagal na itong hindi dinadalaw sa nasabing establisimento.

Dulot ng umano’y matinding kalungkutan at kung may anong nararamdaman sa katawan ay minabuti na lamang umano ng matanda na magpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili.

Naniniwala rin ang pamunuan ng Golden Acres na matinding kalungkutan ang sanhi ng pagpapakamatay ng matanda. Gayunman, patuloy pa ring sinisiyasat ang naturang insidente. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments