^

Metro

Gabby Concepcion aarestuhin pag-umuwi ng Pilipinas

-
Aarestuhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion kapag umuwi siya ng Pilipinas.

Ito ang nabatid kahapon mula sa isang mataas na opisyal ng NBI na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Aniya, ang warrant of arrest ay bunsod ng umano’y reklamong inihain ng dating misis ng aktor na si Grace Ibuna hinggil sa hatian ng kanilang "conjugal property" bilang mag-asawa may ilang taon na ang nakakaraan.

"Pati ang pagpapakasal niya kay Jenny Syquia na dating model habang hindi pa siya legal na hiwalay kay Ibuna ay kinuwestiyon din sa hukuman," sabi pa ng source.

Nabatid na si Concepcion ay uuwi sa bansa upang gumawa ng pelikula base sa alok ng dalawang leading film outfits sa bansa.

Diumano ay nagkaroon ng iregularidad sa hatian ng ari-arian nina Ibuna na dating konsehal ng San Juan at Concepcion dahil hindi umano dapat na magkaroon ng hatian sa ari-arian sapagkat maikakategorya na null and void ang kasal nito kay Ibuna.

Matatandaan na nauna nang nagpakasal si Concepcion kay Sharon Cuneta at makaraang madeklarang annulled ang kanilang kasal ay sinunod namang pakasalan si Grace Ibuna at ang sumunod ay si Jenny Syquia kung saan ay nabalewala rin makaraang mabunyag na mayroon siyang first marriage sa isang Filipina sa Amerika bago pa naganap ang kasal niya kay Cuneta, Ibuna at Syquia.

Magugunitang matapos na masangkot si Concepcion sa anomalya sa 1994 Manila Film Festival ay nagpasya ang aktor na manatili na sa Estados Unidos. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

CONCEPCION

ESTADOS UNIDOS

GABBY CONCEPCION

GRACE IBUNA

IBUNA

JENNY SYQUIA

MANILA FILM FESTIVAL

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with