Selosong abogado madi-disbar
June 11, 2001 | 12:00am
Sanhi na rin ng matinding selos, isang abogado ang kasalukuyang nakakulong ngayon sa Makati City Police Station matapos na bastusin nito ang kanyang nililigawang babae habang kumakain sa isang restaurant kasama ang nobyo nito sa Makati City.
Bukod sa pagkakakulong, nanganganib din na ma-disbar si Atty. Henrich Garena, 36, ng 709 P. Paterno St. Quiapo, Maynila bunga na rin ng mga kasong coercion, unjust vexation, harrassment, resisting arrest at disobedience to lawful order.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain sa Buddys Restaurant sa Kalayaan Ave. Makati City ang magkasintahang sina Annie Desalit, 24, isang bank employee at Emmel Ecrael, 24 isang engineer nang bigla na lamang lumapit si Garena na lasing.
Pinipilit ni Garena na kausapin ang nililigawang si Desalit subalit matigas naman ang pagtanggi nito.
Binantaan ni Garena ang dalawa, subalit mabilis naman itong dinakip ng mga pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended