^

Metro

May 'sabit' na manliligaw tinodas

-
Dahil sa galit ng isang obrero sa panliligaw ng isang lalaki na may asawa sa kanyang pinsang dalaga, inabangan at tinarakan niya ito ng patalim sa leeg sanhi ng kamatayan ng lalaki, kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na kinilalang si Junryl Arceno, 18, isang matadero sa Aranque market at nakatira sa 886 Oroquieta st., Sta. Cruz, Maynila.

Tumakas ang suspek na nakilalang si Joel Guid, umano’y pinsan ng isang nagngangalang Jona na nililigawan naman ni Arceno.

Sa ulat ni SPO3 Virgo Villaruel ng Western Police District Homicide Division, bandang alas-4 ng madaling-araw nang abangan ng suspek ang biktima habang naglalakad.

Nauna rito, galit na galit umano si Guid nang mabalitaan nito na dinidiskartehan ni Arceno ang kanyang pinsang babae bagaman pinagsabihan na umano niya ito na huwag kataluhin ang babae dahil napag-alaman ng suspek na may asawa na si Arceno sa probinsya nito kaya’t mahigpit na tinututulan ng suspek ang panliligaw ng huli sa kaanak nito.

Gayunman, nagpatuloy pa rin sa panliligaw ang biktima at binalewala ang pakiusap ng suspek dahil sa sobrang pagkagusto nito sa nasabing babae.

Nitong huli, nabalitaan ni Guid na nakipag-date ang kanyang pinsan sa biktima at dahil sa sobrang galit ng una ay inabangan ang huli at saka sunud-sunod na inundayan ng saksak. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ARANQUE

ARCENO

CRUZ

ELLEN FERNANDO

JOEL GUID

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JUNRYL ARCENO

MAYNILA

VIRGO VILLARUEL

WESTERN POLICE DISTRICT HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with