^

Metro

Amang tumatakwil sa anak puwersadong magpa-DNA test

-
Wala nang lusot ngayon ang mga amang ayaw kilalanin ang kanilang mga anak sa pagkakasala makaraang aprubahan ng Marikina City Council ang isang ordinansa na pumupuwersa sa kanila na magpasailalim sa isang DNA test para matiyak ang relasyon nila ng bata.

Base sa Ordinance No. 056 ng 2001 na iniakda ni Councilor Marion Andres, puwersadong sumailalim ang mga lalaking inirereklamo ng rape at seduction na nagbunga ng anak sa paternity testing para mabatid ang pagkakasala nito, at mga lalaking inirereklamo na ayaw kumilala at sumuporta sa kanilang mga anak.

Ayon kay Andres, nabuo ang ordinansa dahil sa pagdagsa ng bilang ng rape cases na hindi napatunayan dahil sa kakulangan ng ebidensiya kahit na nagbunga ito ng sanggol, at ang pagtaas ng bilang ng mga bastardong bata.

Sa DNA testing, mapapatunayan ang pagiging guilty ng mga rape suspek kapag nagtugma ang mga cells nito sa kanyang anak at makukumpirma rin ang relasyon ng mag-ama kung saan hindi makakatanggi ang lalaki ng kanyang suporta dito.

Aakuin naman ng panig ng babaeng nagrereklamo ang lahat ng gastos sa DNA test kung gusto nitong magkaroon ng katarungan at suporta ang anak. Ang resulta ay isusumite sa korte bilang matibay na ebidensiya. Isasagawa ang DNA testing sa Marikina City Health Office, NBI lab, PNP Crime Lab at mga pribadong ospital na kaanib ng Department of Health. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AAKUIN

ANDRES

COUNCILOR MARION ANDRES

CRIME LAB

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

MARIKINA CITY COUNCIL

MARIKINA CITY HEALTH OFFICE

ORDINANCE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with