^

Metro

Baby ng ST star may Hepa-B

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang sikat na ST star ng Seiko Films na si Natasha Ledesma makaraang magsilang ito ng sanggol na positibo sa nakamamatay na sakit na Hepa-B na nakuha sa aktres.

Si Ledesma na nagrehistro ng pangalang Natasha de Guzman ay nanganak kamakalawa sa Chinese General Hospital ng sanggol na babae.

Ayon sa source mula sa nasabing ospital, ang sanggol ay posible umanong nahawa sa ina nito kung saan ang sakit ay nakuha dahil na rin umano sa multiple sex partner o mula sa iba’t ibang lalaki na nakatalik nito.

Gayunman, hindi tiniyak ng source kung malaki pa ang tsansa ng baby na mabuhay, pero tiniyak ng mga awtoridad dito na mayroon nang mga epektibong antibiotics na pwedeng makapagpagaling sa sanggol at gayundin sa ina nito, depende na lamang sa natural body resistance ng mga ito.

Si Ledesma ay mula sa bakuran ng Seiko at sumikat sa mga bold films. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GAYUNMAN

GUZMAN

HEPA-B

NATASHA

NATASHA LEDESMA

SEIKO

SEIKO FILMS

SI LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with