^

Metro

Private investigators hiling sa Popoy ambush

-
Nakatakdang hilingin ng pamilya ni labor leader Felimon "Popoy" Lagman ang tulong ng mga pribadong imbestigador na kinabibilangan ng mga ekspertong lokal at dayuhan upang mapabilis ang pagresolba sa misteryosong pagkakapaslang nito.

Ito ang nabatid kahapon kay dating Albay Congressman Edcel Lagman, nakatatandang kapatid ni Ka Popoy sa isang ambush interview sa Camp Crame.

Gayunman, tumanggi ang dating Kongresista na tukuyin kung saang bansa magmumula ang mga pribadong dayuhang imbestigador na hihilingin nilang mag-imbestiga sa kaso.

Ayon kay Lagman, naniniwala siyang ang pagpaslang sa kaniyang kapatid ay kagagawan ng mga dating makakaliwang grupo na ngayo’y naging mga mersenaryo at ginagamit ng isang grupo.

Sinabi ni Lagman na dapat palawakin pa ng pulisya ang pag-iimbestiga sa pagkakapatay ng mga pinaghihinalaang hired killers sa kanyang kapatid dahilan may hinala siyang may tunay na mastermind sa kaso at ito’y nagtatago lamang.

Binigyang diin pa ng dating solon na habang tumatagal ay lalong nahihirapan ang mga imbestigador na imbestigahan ang kaso kaya’t kailangan na talaga ang tulong ng mga pribadong imbestigador. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALBAY CONGRESSMAN EDCEL LAGMAN

AYON

BINIGYANG

CAMP CRAME

FELIMON

GAYUNMAN

JOY CANTOS

KA POPOY

LAGMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with