^

Metro

6-anyos hinataw sa ulo ng ama

-
Nabasagan ng bungo ang isang 6-anyos na batang babae ng hatawin sa ulo ng sariling ama na sabog sa droga makaraang mairita sa kaiiyak ng bata, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Malabon.

Ligtas na sa tiyak na kamatayan pero hindi pa makausap ang biktimang si Josel Baret, ng Blk 5 Lot 11 First st., Disierto, Tañong nasabing bayan.

Naaresto naman ang amang suspek na si Jeselito Baret, 34, walang trabaho.

Napag-alaman na dakong alas-9 kamakalawa ng gabi ay kasalukuyan umanong naglalaro ang biktima at isa nitong nakatatandang kapatid ng agawin ng huli ang laruan ni Josel na nagresulta para umiyak ito.

Habang umiiyak ang biktima ay siyang pagdating ng suspek na sabog. Nairita umano ito sa pag-iyak ng anak at sa inis ay kumuha ito ng malaking kawayan at hinataw ng dalawang ulit sa ulo ang paslit. Putok ang ulo ng bata at umaagos ang dugo na isinugod ng kanyang ina na umawat.

Ayon sa inang si Virginia, madalas pagbuhatan ng kamay ng kanyang asawa ang anim nilang anak kapag ito ay nasosobrahan sa paggamit ng bawal na gamot.

Kasong paglabag sa child abuse ang isasampa laban sa suspek. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

DISIERTO

GEMMA AMARGO

HABANG

JESELITO BARET

JOSEL

JOSEL BARET

KASONG

LIGTAS

MALABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with