^

Metro

13-anyos binaril ng sekyu, patay

-
Isang 13-anyos na batang lalaki ang natagpuang patay at may tama ng bala sa kanyang ulo matapos umanong barilin ito ng isang security guard, kamakalawa sa Hobart Village, Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Bernardino General Hospital si John Ivan Cruz, 1st year high school student at nakatira sa Block 15 Lot 2 College st., Hobart Village, QC.

Sa ulat ni SPO2 Joseph Diño, may hawak ng kaso, bandang ala-1:30 kamakalawa ng hapon nang matagpuang duguan at may tama ng bala sa kanang mata na naglagos sa kanyang ulo ang biktima sa likod ng guard quarters sa naturang subdivision.

Kaagad isinugod ng mga kaanak ang biktima sa naturang pagamutan subalit patay na ito.

Natuklasan naman ng mga awtoridad na nawawala simula kamakalawa ang security guard na si Joseph Retita kaya tumibay ang hinala ng pulisya na ito ang bumaril at nakapatay sa naturang estudyante.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay sa naturang binatilyo. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

HOBART VILLAGE

IDINEKLARANG

INAALAM

ISANG

JOHN IVAN CRUZ

JOSEPH DI

JOSEPH RETITA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with