^

Metro

Congressman Barbers nanapak ng 3 sekyu ?

-
Ginulpi umano ni "Spice Boys" member Surigao del Norte Cong. Robert "Ace" Barbers at ilang bodyguard nito ang tatlong sikyu sa Ayala Commercial Center sa Makati City matapos umanong bastusin ng mga ito ang kapatid na dalaga ng una dahil sa pagtatalo sa parking, kamakalawa ng gabi.

Sinampahan ng kasong unjust vexation at harassment ni Mary Grace Barbers, 22, ng #6 Hercules st., Bel-Air Village 2, Makati City ang mga suspek na sina Carlos Arceo Bouffard Jr., Zacarias Manabo at Agripino Calibo, ng Bulldog Security Agency.

Samantala ipinagharap naman ng tatlong sikyu si Congressman Barbers ng kasong physical injury.

Itinanggi naman ni Ace ang nasabing pananakit

Sa imbestigasyon ni PO3 Rio Bucalan ng homicide section, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-7:30 at alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa harapan ng Rustan’s department store. Nagkaroon umano ng pagtatalo si Mary Grace at Bouffard dahil sa parking kaya tinawagan ng babae sa telepono ang kanyang kapatid na mambabatas dahil binabastos umano siya ng sikyu.

Nang dumating si Ace kasama ang ilang bodyguard ay kinompronta nito si Bouffard na nagkataon naman na nandoon din ang dalawa pang sekyu.

Dahil sa pagiging arogante ng tatlo ay nag-init umano ang nasabing opisyal at agad na sinuntok ang tatlo hanggang sa pagtulungang gulpihin ng mga bodyguard nito.

Naawat ang komosyon ng rumesponde ang mga tauhan ng Makati police at dalhin ang tatlong sikyu. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AGRIPINO CALIBO

AYALA COMMERCIAL CENTER

BEL-AIR VILLAGE

BOUFFARD

BULLDOG SECURITY AGENCY

CARLOS ARCEO BOUFFARD JR.

CONGRESSMAN BARBERS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARY GRACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with