^

Metro

Senglot na mag-utol nag-trip, live wire hinawakan

-
Baldado na habambuhay ang isang lalaki habang nagtamo naman ng malubhang pagkasunog sa katawan ang kanyang nakababatang kapatid matapos na mapagtripan ng una ang depression wire ng Meralco sa itaas ng bubungan ng kanilang bahay, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Kapwa kritikal ngayon sa loob ng Mandaluyong City Medical Center ang magkapatid na Jonathan Gayo, 20, binata at Jovy, 18, kapwa residente ng #56 Private Road, Bgy. Hulo, Mandaluyong.

Tuluyan nang hindi nakabawi ang katawan ni Jonathan at pinangangambahang mabaldado na habambuhay habang bahagyang nakakapagsalita na ngayon si Jovy.

Sa rekord ng pulisya, masayang nag-iinuman ang magkapatid sa labas ng kanilang bahay. Nang malasing pareho, nagkahamunan ang dalawa kung kayang magpadaloy ng kuryente sa kanilang katawan.

Nagmalaki si Jonathan na kaya niyang hawakan ang live wire kaya’t umakyat ang dalawa sa bubungan ng kanilang 2-palapag na bahay upang patunayan nito ang kanyang paghahamon.

Nagbago naman ng isip si Jovy at inawat ang kanyang kuya subalit huli na upang iligtas ito dahil nakuryente rin siya. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BALDADO

BGY

DANILO GARCIA

HULO

JONATHAN GAYO

KAPWA

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

PRIVATE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with