^

Metro

Pati pari nadenggoy sa pekeng gold bars

-
Hindi lamang mga negosyante at dayuhan ang nagiging biktima ng sindikato na nagbebenta ng mga pekeng gold bar kundi maging ang mga alagad ng simbahan matapos maloko ng mga nagkunwaring "aetas" ang isang pari at binentahan nila ng pekeng gold bar, sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Carlos Baltazar, DILG-Special Task Force chief, ang pinakahuling biktima ng sindikato na si Fr. Inocencio Bauzon, 67, missionary priest ng Filipino Catholic church at nakatira sa #37 Katuparan st., Batasan Hills, QC.

Ayon sa pahayag ni Fr. Bauzon, tatlong kalalakihan na nagpakilalang Jery Antonio, Jesus Ramos at alyas Vilmo na pawang mga Ita ang hitsura at mula sa Sta. Juliana, Capaz, Tarlac, ang nagtungo sa kanilang lugar kung saan ay inalok sila na maghanap ng buyer ng mga gold bars sa halagang P1 milyon.

Nakumbinsi naman ang pari na tunay ang naturang gold bar matapos masaksihan niya mismo nang suriin ng kanyang kakilalang goldsmith ang bara ng ginto.

Dahil dito, hinimok naman niya ang dalawa pang kaibigan nito kabilang ang isang DPWH-district engineer sa Northern Luzon upang bilhin nila ang naturang gold bar.

Nagtungo sila sa bahay umano ng suspek sa Capaz, Tarlac kung saan ay nagbayad muna sila ng P250,000 na deposito saka ibinigay sa kanila ang gold bar noong Okt. 31 at nagkasundo na ang balanse ay ibibigay na lamang nila sa sandaling mabayaran ng kanilang target na foreign buyer.

Subalit ang nasabing ginto ay natuklasan nilang peke, kasabay ng paglaho ng mga suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BATASAN HILLS

CAPAZ

CARLOS BALTAZAR

FILIPINO CATHOLIC

INOCENCIO BAUZON

JERY ANTONIO

JESUS RAMOS

NORTHERN LUZON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with