^

Probinsiya

21 timbog sa oil pilferage, P30 milyong petrolyo nabawi

Ed Amoroso, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
21 timbog sa oil pilferage, P30 milyong petrolyo nabawi
Sa report ni CALABARZON Police Acting­ Regio­nal Director P/Chief­ Supt. Dominic Baccay, ni-raid ng mga ope­ratiba ng Regional Intelligence Division (RID) ang isang inabandonang gasoline station sa Sta Rosa City, Laguna kung saan naaktuhan ang mga suspect na sinisipsip ang fuel mula sa tanker trucks.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umaabot sa P30-milyong halaga ng produktong petrolyo ang nabawi kasunod ng pagkakaaresto ng pulisya sa 21 suspect na sangkot sa oil pilferage sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Laguna at Quezon, ayon sa opisyal kahapon.

Sa report ni CALABARZON Police Acting­ Regio­nal Director P/Chief­ Supt. Dominic Baccay, ni-raid ng mga ope­ratiba ng Regional Intelligence Division (RID) ang isang inabandonang gasoline station sa Sta Rosa City, Laguna kung saan naaktuhan ang mga suspect na sinisipsip ang fuel mula sa tanker trucks.

Ayon sa mga imbestigador ang modus operandi ng mga tanker drivers ay dalhin ang shipment nila ng fuel sa inabandonang gasoline station sa halip na i-deliver ito ng direkta sa kanilang mga lehitimong kustomer.

Ang mga kasabwat ng mga suspect ay sinisipsip ang gasoline at diesel mula sa mga tanker gamit ang mga hose at inililipat ito sa mala­king container para illegal ng mga itong ibenta.

“Sisipsipin from the tanker, isasalin yan sa canister. Then may mga nag-aantay rin na elf. So from there, doon sila magmumula at ide-deliver nila roon sa mga maliliit na players na nagbebenta ng gasolina,” saad ng opisyal.

Inihayag ni Baccay na nakumpiska sa nasabing operasyon ang nasa P18 milyon na halaga ng mga ebidensya kabilang ang apat na oil tankers, libong litro ng gasoline, at diesel at mga gallon saka mga canister.

Samantala, sa isa pang operasyon sa Brgy. Silangan Mayao, Lucena City sa lalawigan ng Quezon ay nasa 13 pang suspect ang nahuli na nagbebenta ng mga nakaw na produktong petrolyo mula sa tanker trucks at mga sinipsip na liquified petroleum gas (LPG) sa cylinders. Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang nasa P12 milyong halaga ng diesel, gasoline, tanker trucks at daang LPG cylinders.

Nahaharap ang mga nasakoteng suspect sa kasong paglabag sa Oil Pilferage Law at PLP Industry Regulation Act.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with