Mayo 5, 2022
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Anumang hamon ang darating, kayang harapin kung positibo ang isip. Magiging maayos ang resulta kung walang pag-aalinlangan sa sariling kakayahan. Ikaw ang unang tutulong sa iyong sarili. Magpapakatatag. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at White.
GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) Kung iisiping mabuti ang madilim na lungga ng kahirapan, may makikitang liwanag sa bandang dulo. Simulan ang pagkilos. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 31 at Burgundy.
CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) Huwag magpanik. Ang sobrang taranta o pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi magandang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at Orange.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Utak ang paganahin at ‘di ang emosyon. Pero kung balanseng magagamit, mas papabor sa’yo ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at Brown.
VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) Malamang makasaksi ng isang pangyayari na hindi inaasahan. Isang Capricorn ang pansa-mantalang iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at Indigo.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Huwag magpadalos-dalos dahil malakas ang magneto ng pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at Green.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Marunong ka ngayon makisama at makibagay. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magiging kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at Red.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Walang mangyayari kung sasarilihin ang problema. Kumunsulta sa pinagkakatiwalaan. Mapagtatagumpayan mo ito. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at Maroon.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Pinagpaguran mo ang lahat ng mayroon ka. Ang proteksiyon at pag-alaga ay dapat pagtuunan ng pansin. Mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at Violet.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Anuman ang gawain, tiyak na maganda ang magiging resulta dahil positibo ang isip. Iwasan ang magtaray. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 45 at Yellow.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, si-mulan ang gawain at makikita na magiging masaya ang bawat saglit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at Orange.
ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa pagkukunwari, dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Magpakatotoo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at Brown.
- Latest

















