^

Kutob

Enero 25, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Pulso ng masa ang dapat alagaan para matiyak na ang desisyong ihahayag ay pumapabor sa lahat at hindi sa iilan lang.  Ugaliin na magdala ng pantakip sa ilong at bibig, lalo na kung magko-commute ka, dahil hindi magugustuhan na maubuhan ng bongga ng makakatabi sa dyip.  Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 31, 45 at beige.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-aral ng oracion meditation upang mabilis na magamit ang kakaibang kakayahan. Huwag hayaang madaig ng mapagkunwari. Napapanahon para tumayo at sabihin ang totoo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 39, 22, 11 at magenta.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Alamin ang totoo at huwag basta na lamang maniwala sa sabi-sabi. Huwag magtaka kung darami ang lalapit sa sinumang mtumatasa ng tagumpay, maging wais lang kapag nasa ganong kalagayan ka na. Lucky numbers at color for the day ang 29, 31, 17, 22 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sumpa ang hatid ng mapanirang dila. Kaya piliin ng mabuti kung sino ang sasamahan. Huwag masilaw sa salapi, kung ayaw mong masadlak sa situwasyong hindi mo basta malalabasan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 21, 47, 19 at sky blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Isang sekreto ang matutuklasan at babaguhin nito ang iyong pakikitungo sa isang katrabaho. Malalantad sa’yo ang katotohanan sa kanyang kasungitan at pagkamaldita. Hindi imposible na makatagpo ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 39, 55, 45, 15 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Maaakit mo ngayon ang opportunities upang mas maging masagana ang buhay mo. Laging alalahanin ang seguridad ng kabuhayan, alamin ang iba’t ibang makabagong paraan. Hindi ito ang panahon para magkuripot. Lucky numbers at color for the day ang 39,  45, 17, 33 at red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kung nais ma-solve ang paulit-ulit na kahirapan, baguhin ang paghawak ng ‘yung kita. Huwag puro gastos, turuan ang sarili na maging masinop, simulan na ang mag-ipon. Darating ang oportunidad na hinihintay mo. Lucky numbers at color for the day ang 13, 39, 21, 45 at gold.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Gaano mo man ang alam mo para aliwin ang sarili,  matutuklasan na higit na kaligayahan ang hatid kung kapiling ang mga taong nagmamahal sa’yo.  Isang sorpresa ang naghihintay mula sa taong hindi mo inaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 17, 23, 31 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Bilangin ang biyaya at tuloy-tuloy na padaluyin ang pagpapala lalo na sa mga taong walang-wala. May pabor kang hihilingin, pero huwag sasama ang loob kapag hindi napagbigyan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 21, 31, 33 at tangerine.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang roller coaster na karanasan sa buhay ang magpapaalala sa’yo kung gaano ka na lumago bilang isang indibiduwal. Huwag magsawa sa paggawa ng mabuti, gaano man ang mapanadya ang nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ang 7, 23, 16, 45 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ang pakikisama ay nagbibigay saya lalo na kapag ang mga gawain ay kaugnay sa lalo pang pag-angat ng iyong kabuhayan. Isang kapamilya ang hindi inaasahang dara-ting. Lucky numbers at color for the day ang 15, 29, 45, 55 at electric blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Iwas disgrasya ang pahiwatig ng tamlay. Ang mainit at masarap na luto ng iyong kapareha ang babago sa lahat. Dahil sa sandaling mabusog, iba na ang energy mo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 31, 61 at pink.

 

 

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with