^

Kutob

Nobyembre 28, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kabaligtaran sa inaasahan ang magaganap. Huwag kang umasa ng hindi madismaya. Sikapin sa abot ng makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay kaysa umasa sa pa-ngako. Sariling sikap ka ngayon huwag isandal sa iba ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 38, 39 at blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Kung may mapapaunlakan ka ngayon, tiyak “very good” ka sa kanya ngunit magiging simula ito ng reklamo at kung hindi mapagbibigyan, maraming paninira ang aabutin. Ang magandang gawin, walang pauunlakan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 23, 38 at green.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan ngunit makakalayo sa paggastos ng sobra sa budget. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Huwag piliting lumipad na kulang ang pakpak dahi tiyak babagsak. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 24, 35 at sky blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung ayaw mapag-usapan gumawa ng tama, huwag gumawa ng milagro. Atupagin ng maayos ang trabaho upang walang mapuna ang iba. Ilagay sa tamang oras ang makipaghuntahan.  Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 21, 25 at bright yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Nakakairitang bagay ang sasalubong at kung papatulan, buong araw tataglayin ang init ng ulo. Huminga ng malalim at mag-relax muna bago pag-aralan ng mabuti ang mga bagay bago simulan ang dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 35, 37 at violet.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. “Relax, dahan-dahan at idaan sa lam-bing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad ang aura ng karisma. Hindi ka mapaghihindian kung may kasamang ngiti at lambing pakikipag-usap. Lucky numbers at color for the day ang 7, 8, 27, 36 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang inaakala ngayon ay magkakatotoo. Kung inaakalang magkakamali ka, huwag ituloy. Kung inaakalang matatanggap sa trabaho, lakarin at tiyak matatanggap kung tugma ang kuwalipikasyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 34, 41 at indigo.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Nasa pagitan ka ng dalawang daan na malilito kung ano ang dapat gawin, dahil magkatulad na ikaw ay kailangan ng pamilya at trabaho. Sa ganitong sitwasyon walang mas magandang pagbasihan ng desisyon kundi ang praktikalidad. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 39 at yellow.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Hanggang kailan ka sa iyong mga magulang, hanggang sa sila ba ay wala na? Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon dahil daranasin ang kahirapan sa darating na panahon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 26, 36 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Wala kang makukuha sa pagsama sa mga taong may masamang bisyo, lalo na sa mas mababa kaysa sa'yo. Kung nais umunlad, sumama sa mga taong mas mataas ang katayuan at maganda ang reputasyon sa lipunan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 6, 31, 39 at fuchsia.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Katungkulan sa pamilya, trabaho at dagdag na mga pabigat sa gastusin ang problema mo. Kung tutuusin masuwerte ka pa rin kaysa sa iba na sira na ang utak, ngunit nagsisikap pa rin mabuhay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 11, 22, 23 at scarlet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at mara-ming magagandang bagay ang papasok sa isip. Himay-himayin ang bawat detalye para matuklasan kung tama o mali ang napiling ibigin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 39, 43 at blue.

vuukle comment

GABAY

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with