^

Kutob

Nobyembre 23, 2014

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Lahat ng transaksiyon ko ay matatapos na may magandang resulta. Salamat sa grasya ng Dios.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Manati­ling mapagpakumbaba at huwag hayaang umusbong sa sarili ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self control, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Iwasan ang maging sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang lahat ng nakapaligid. Kung ano ang nais ay huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Bawat kilos, tiyakin ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20- Peb­rero 18) – Ang pagpaparaya ay hindi pagbalewala kundi pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat lamang na alagaan nang hindi masira ang tiwala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar para maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magpalamig muna ng init ng ulo bago humarap sa ibang tao. Tiyakin ang ikinagalit ay hindi madadala kung saan maliban sa kinauukulan na makapandamay ng tao na hindi naman dapat. Kung may ikinagalit sa tahanan, huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30 at lilac.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Piliin ang mga sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. May pagkakataon na makakilala ng isang taong makakatulong. Mag-ingat sa hold-up o snatchers. Iwasan ang maglakad na mag-isa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ano man ang desisyon gawin, ituloy basta nakakatiyak na hindi makakasagasa ng ibang tao. Ikaw ang higit na nakakaalam ng nais kaya huwag asahan na may ibang magdedesisyon para sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Labis ang pangungulila sa kasintahan o minamahal pero walang magagawa kundi magtiis. Isipin na pagsubok ito sa relasyon na kahit magkalayo ay patuloy namang tumitibay ang relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 25, 30 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Gawin ang paraan na maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi maka­kabuti kung palaging negatibo ang nasa isip. Maging positibo at tiyak maganda ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung may plano at gawain, isipin muna ng mabuti kung ano ang unang hakbang ang dapat. Tiyakin na maging organisado ang bawat kilos dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Magiging mahina ang iyong kalooban ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Panahon ng pagbabago ng masamang ugali. Ang Ilang pagbabago ay sadyang mahirap gawin, subalit hindi dapat sumuko kung sa kabutihan ng sarili. Walang mahirap sa taong matiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 26, 35 at strawberry red.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Asahan na maraming trabaho ang gagawin ngayong araw. Matatapos ito kung iiwasan ang makipagkuwentuhan at puntahan kung sino ang iyong pipiliin o maaari ang kasintahan ay yayain ka nang pakasal. Tiyakin ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

KUNG

LUCKY

NUMBERS

TIYAKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with