^

Kutob

Hulyo 23, 2014

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang Dios ang aking proteksiyon at tagapagtanggol, hindi ako matatakot.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Maisasakatuparan ang gustong mangyari. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak na hindi magka­kamali. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwa Taurus o isang Gemini. Magkakaroon ng malaking pagbabago sa takbo ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue.   

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ilang pag­babago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o makakatuklas ng sikreto ng iba. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari sa personal na buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong re­lasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi mababayaran. Iwasan ang maging matamlay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kung magiging positibo ang pananaw, magsisimula ng maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitawan. Huwag kalimutang magpasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Sa gabi, maligaya ang pagsasama kapiling ang minamahal o ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at rose quartz.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Aanihin ang itanim. Kung ano ang ginagawa ay siyang mang­yayari. Iwasan ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga kagamitan. May dapat pasalamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Umaayon ang panahon para pagtuunan ng pansin ang kalusu­gan. Pag-aayos sa tahanan ang paglilibangan. Mapagtutuunan ng pansin ang nutrisyon, diet at exercise. Maisa­saayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya  ng pamilya kung kailan maglalabas at magtatago ng salapi. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31 at 39 at fuchsia.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan, paraan lamang ito para ikaw ay manlamig. Ang pakikipagtikisan sa nakakataas sa tungkulin ay magpapahamak sa sarili. Sundin ang patakaran at alituntunin ng pinapasukan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at red.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Ngayon mauuna­waan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa sarili. Mapapatunayan na ang pangako ay mapapako at hindi matutupad. Kung hindi makapagpipigil, may makakasagupa na hindi pinapangarap makabangga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12,. 28, 39 at pale yellow.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng Pisces o Virgo. Doblehin ang pag-iingat kung may kaibigan na ang pangalan ay nagsisimula sa A, E o M. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang may unang titik ng pangalan na B, N at W. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at pink.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Iwasang magbalak pumasok sa aktibidad na magastos. Makakabuting suriin muna ang budget para hindi mapasubo at nang walang pagsisihan. Pagtuunan ang pagpapaunlad ng professional skills. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Huwag iisantabi na lamang ang suliranin sa pera dahil maaaring ang isang himala kung patuloy na magiging masipag, disipli­nado, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili para magkaroon ng tiwala ang koneksyon o contact. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maganda sa aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstra. Magkakaroon ng kaunting kalituhan tungkol sa schedules o sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at bright yellow.

vuukle comment

COLOR

DAY

LUCKY

MAGBIBIGAY

MAGKAKAROON

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with