^

Kutob

Agosto 19, 2013

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang lahat ng bagay ay nangyayari nang may dahi­lan. Kung ipagkakatiwala ang lahat sa Diyos, mapapawi ang anumang pangamba.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magkakaroon ng ba­ gong alok sa trabaho. Anumang bagay na dapat desis­yunan, pag-isipan muna ang kahihinatnan bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

VIRGO (Agosto 23  - Set­yembre 23) – Maaliwalas, mabunga at makulay ang pag-ibig. Iwasan ang mga tsismosa at pakialamera para hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue. 

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Madaling pakitunguhan ang mga ka­mag-anak o mga kaibigan. Ma­pagtitibay ang relasyon sa taha­nan at kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nob­yembre 22) – Tanggapin ang pagkakamali, kalakip ang kaluwagan ng kalooban. Mahalaga ang magtiyaga. Mapapalipas ang kaguluhan ng isip sa paglilibang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

SAGITTARIUS (Nob­­yem­­ bre 23 - Disyem­bre 21) – Maganda ang pa­latandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Aries ang makikilala ngayon, tiyak magkakatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green.

CAPRICORN (Disyem­bre 22 - Enero 19) – Ang munting suliranin sa mi­namahal ay huwag dalhin hanggang sa gawain. Isang lihim ang hindi inaasahang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Taglay ang kasiglahan subalit ma­da­ling mapipikon at magiging ma­initin ang ulo at madaling magalit. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at bold yellow­.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Taglay ang pambihirang talas ng pag-iisip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap para pakinggan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – May pagkakataong mabalikan sa isip ang mga nakalipas na nagsilbing aral. May kaunlaran kung panay posi­tibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Makakatulong ang isang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Maging positibo sa pag-iisip at sa pag-gawa. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hun­yo 21) – Huwag magpa­bigla-bigla at pairalin ang lubos na pagpapasensya. Iwasan ang anumang pangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan para tapusin ang lahat ng trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag ng ka­ligayahan at kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at green.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEM

LUCKY

NUMBERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with