^

Kutob

Mayo 17, 2013

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Taus-puso ang paglilingkod ko sa aking kapwa, dahil kalooban ni Jesus ang maghahari sa akin.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na mamumuo sa tahanan pero hindi ka direktang kasali. Kung aayusin ito,  tiyakin na hindi makakasali sa gulo. Pasensya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Ang kinatatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan. Tiyakin lamang na ang bawat gagawin ay hindi labag sa batas ng tao at Diyos. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Kung makakatanggap ng regalo mula sa opposite sex, tiyak magkakatuluyan. Kung may makikilala na ang unang­ titik ng pangalan ay B, E o W, magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa ka­ibigang Capricorn dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Isang proyekto ang hahamon ng iyong talino sa nalalapit na pagkakataon. Ngayon mapapagana ng husto ang imahinasyon. Tamang pag-aaral ang kailangan para makatiyak sa tagumpay. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Kung inaakala na walang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghihinanakit dahil tiyak na hindi siya ang bagay sa iyo. Huwag igiit ang sarili sa ayaw sa iyo. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at  indigo.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Magandang balita ang matatanggap. Hindi ka mauunawaan ng ka­ramihan sa ibig mong sabihin kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, nasa iyo kung ibubuslo mo sa goal o ipapasa sa katunggali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Kung gulong-gulo ka sa kakaisip kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan at ang dinaranas ay walang patutunguhan, walang masama kung puputulin hangga’t maaga. Huwag magpaka-martir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin ngayon. Madali kang yayain na hindi mo matatanggihan pero ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang-asal at hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang  gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang idinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Ano man ang gawin ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabayay nga­yon dapat baguhin at tiyak may magandang patutunguhan ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Hindi maiiwasan ang argumento pero maiiwasan na mapaaway kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumento. Kung may hindi pagkakaunawaan, sikapin na hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Maraming gawain pero kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan ang magpagod, matuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang kasam-bahay ang maglalambing na dapat pagbigyan ng kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

 

 

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

NUMBERS

TIYAKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with