^

Kutob

Nobyembre 29, 2012

Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kapangyarihan ng Diyos ay dumadaloy sa lahat ng nilikha Niyang kumikilala sa Kanya bilang tagapagligtas.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan. Walang puwang para magkamali kaya kung may mga bagay na kailangang pagdesis­yunan, gawin na. Madali kang yayain at hindi mo matatanggihan pero ang mag-ingat ay huwag balewalain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Mag-ingat sa anumang ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal at hindi ito magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang gagawin o ginagawa ay nasa isip at hindi kung ano ang dinidikta ng iba. Mag-ingat sa matutulis at matatalas na bagay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Anuman ang gagawin kailangan ang maayos na pagpaplano. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Kung naging ugali ang magpabaya, dapat baguhin at tiyak may magandang patutu­nguhan sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Hindi maiiwasan ang hindi pagka­kaunawaan pero maiiwasan na mapaaway kung magiging mahinahon. Huwag patulan ang argumento dahil magsisimula ito sa hindi pagkakaunawaan. Kung hindi makakasali sa argumento, magiging maaliwalas ang araw sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Ma­raming gawain pero kailangan ang pagpapahinga dahil sa tawag ng kalusugan. Iwasan na magpagod, ma­tuyuan ng pawis o maambunan dahil may kahinaan ang pulmon. Isang anak o kasambahay ang may hihilingin na dapat pagbigyan ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Unti-unti nang makakamit ang tagumpay kaya tutukan ang kasalukuyang ginagawa. May hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan o trabaho kaya mag-ingat dahil hindi matutuloy. Pasensiya at hinahon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Ang kinakatakutan mong landas ay siyang daan na maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiwala sa sarili at lakas ng loob ang sagot sa pangangailangan. Tiyakin lamang na ang bawat gawain ay hindi labag sa batas ng tao. Sipag at tiyaga ang sagot sa kakapusan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 29, 36 at white.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Kung makakatanggap ng regalo mula sa opposite sex, tiyak magiging magkarelasyon at magkakatuluyan sa hindi malayong panahon. Kung may makikilala na ang unang titik ng pangalan ay C, E o O ay magkakaroon ng relasyon at malamang magkatuluyan. Mag-ingat sa kaibigang Taurus dahil hindi kayo magkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at lilac.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Isang gawain ang hahamon ng iyong talino. Pagsikapan dahil may biyaya kang mapapala. Sikapin na mapagana ng husto ang imahinasyon. Paglaanan ng panahon ang pag-aaral para makatiyak ng tagumpay. Huwag magpadalus-dalos, pag-isipan nang mabuti ang mga dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at violet.

VIRGO (Agosto 23  - Setyembre 23) — Kung inaakala na wala kang pag-asa sa pag-ibig niya, huwag maghinanakit dahil tiyak na hindi siya ang bagay para sa iyo. Huwag igiit ang sarili. Huwag mawalan ng pag-asa dahil ang tunay na pag-ibig ay kusang darating sa tamang pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Makakatanggap ng magandang balita ngayon. Hindi ka mauunawaan ng karamihan sa ibig mong sabihin kaya mag-ingat sa pagpapaliwanag. Gawing maikli at maliwanag. Hawak mo ang bola ng tagumpay, huwag mong pakawalan ito. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Kung gulung-gulo ang isipan, kung ano ang dapat gawin sa relasyong napasukan ang siyang dinaranas ngayon at sa tingin ay walang mangyayari sa relasyon, walang masama kung putulin ito hangga’t maaga. Kumunsulta sa psychic para may tamang gabay sa gawain. Huwag magpakamartir. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at brown.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUWAG

KUNG

LUCKY

MDASH

NUMBERS

TIYAKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with