Hunyo 25, 2010
CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) - Ang panahon ay ginto na dapat ay kumilos kaagad kung ano ang magandang iniisip. Magiging abala sa gawain na pangtahanan o sa trabaho ngayon. May ilang mga bagay na dapat isaayos na nangangailangan ng pera. Naaayon ang panahon sa paglalakbay sa malapit o malayo. Lucky numbers at color of the day ay 11, 22, 32, 41 at garnet red.
LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Ang kaguluhan sa paligid ay maaaring maging madilim na ulap sa nais gawin. Ang marunong magpahalaga sa trabaho ay may magandang ibubunga. Igalang at irespeto ang opinyon at paniniwala ng iba. Ang lahat ng pagsisikap ay hindi masasayang kung buong puso sa pagganap. Lucky numbers at color of the day ay 3, 13, 22, 29 at lemon green.
VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) - Karagdagang pag-aaral ang gawin upang lalong mapaangat ang kalagayan ng propesyon. Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Suriing mabuti ang landas na tinatahak upang hindi maligaw. Lucky numbers at color of the day ay 6, 11, 23, 28 at cherry red.
LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - Mag-ingat sa mga taong mandaraya o mandurugas dahil magiging malapitin ito sa iyo ngayon. Maging matatag. Iwasang mag-init ang ulo. Panatilihin ang kahinahunan. May posibilidad na mahirapan sa pagtupad ng pangako. Ang hindi inaasahang pangyayari ang makakapagbigay ng sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ay 2, 13, 23, 33 at crimson.
SCORPIO (Oktubre.24 - Nobyembre 22) - Magkakaroon ng pagkakataon upang maiangat ang mahirap na kalagayan sa negosyo. Tiyaga at kasipagan ang susi ng tagumpay. Suriing mabuti ang alok ng isang bagong kakilala. Iwasan ang padalos-dalos na pagpapasya. Iwasan ang mga paanyaya ng mga kaibigan. Lucky numbers at color of the day ay 7, 16, 26, 36 at pearl pink.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - Pakinggan ng mabuti ang kutob ng kalooban upang hindi magkamali sa mga gagawin. Sa mga gagawin ng mga kasamahan dapat makiisa sa layunin. Ang matagal nang hinahangad na gawin ay matutupad ngayon ng walang hadlang. Mag-ingat sa snatchers o mandurugas. Lucky numbers at color of the day ay 4, 13, 24, 35 at nile green.
CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Iwasan ang masakit na biruan na maaaring makasugat ng damdamin na hindi sinasadya. May pagkakataon na makagawa ng isang gawaing kapaki-pakinabang sa pamilya at sarili. Isang malalim na lihim ang hindi sinasadyang matuklasan. May palatandaan na lumalandas patungo sa katuparan ng mga pangarap. Lucky numbers at color of the day ay 6, 10, 25, 3 at fuchsia.
AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - Paglabanan ang kapusukan upang hindi mapahamak. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nakikita sa materyal na bagay o sa salita ngunit sa gawa na ikinaliligaya. Malamang na may magandang impormasyon na matatanggap na matagal ng ibig malaman. Malaking tulong ang pagdarasal. Lucky numbers at color of the day ay 5, 16, 28, 40 at violet.
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Ang balak sa pagtatrabaho sa ibang bansa ay masaganang isulong ngayon. Inaayunan ng magandang pagkakataon ang pagsisimula ng masaganang kinakaharap. Ang agwat ng edad ay siyang magiging dahilan ng problema sa romansa. Mag-ingat at baka may mawalang bagay. Lucky numbers at color of the day ay 4, 13, 21, 26 at tangerine.
ARIES (Marso 21 - Abril 19) - May isang taong sasalungat sa iyo. Ang mabilis na pagkilos at lakas ng kamalayan ang magliligtas sa sarili. Malulutas ang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang kasipagan sa paggawa ang puhunan sa pag-unlad. Lucky numbers at color of the day ay 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.
TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Maganda ang matatanggap na balita. Matatapos ng maayos at walang balakid ang nasimulang mga gawain. Kung may kakatagpuin dapat ay ipagpaliban dahil tiyak na hindi magkikita. Iwasan ang makipag-date dahil malamang hindi ka sisiputin. Lucky numbers at color of the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.
GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Mag-ingat sa pagkain lalo na ang mahirap tunawin. Alagaan ang kalusugan upang maiwasang magkaproblema. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaaring makatulong sa suliranin. Iwasan ang magalit na siyang itataas ng presyon. Lucky numbers at color of the day ay 4, 10, 15, 24 at honey yellow.
- Latest
- Trending














