Hunyo 22, 2010
CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) - Malaking bagay ang magagawa ng pagtitiwala. Matutuklasan ang isang lihim. Nasa tamang landas ang magandang kapalaran tungkol sa pananalapi. Magkakaroon ng kasiya-siyang romansa. Lucky numbers at color of the day ay 8, 10, 16, 35 at red.
LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Walang magiging problema sa tahanan gayundin sa trabaho o pinapasukan. Maayos ang takbo ng mga gawain. May swerte ang negosyo. Magiging masaya at makulay ang romansa kung iiwasan ang magselos. Lucky numbers at color of the day ay 8, 13, 22, 33 at purple.
VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) - Malilimot ng ganap ang hindi pagkakaunawaan sa isang kasamahan o kasintahan. Malulutas ang ilang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color of the day ay 4, 14, 17, 24 at cobalt blue.
LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - Iwasan ang magbitiw ng marahas na pananalita na makakasugat ng damdamin. Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga. Lucky numbers at color of the day ay 7, 17, 18, 35 at brown.
SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) - Mahalaga ang makatiyak sa anumang gawain. Bigyan diin ang mga detalye. Sikaping maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Lucky numbers at color of the day ay 6, 7, 13, 20 at scarlet.
SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - May kaunting problema sa tahanan na magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Lucky numbers at color of the day ay 3, 18, 25, 37 at ivory cream.
CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay. Ang problema tungkol sa magulang ay madaling malulutas. Walang dahilan upang magalit o malungkot. Lucky numbers at color of the day ay 6, 12, 22, 36 at orange.
AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - Malulutas ang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon. May pagkakataon na maisasaayos ang problemang taglay. Iwasan ang labis na kapaguran. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 33, 34 at dollar green.
PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Ang lahat ng kabutihang ginagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao. Ang araw ay makulay dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.
ARIES (Marso 21 - Abril 19) - Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho at nandiyan ang pakinabang. Huwag agad-agad maniniwala sa mga tsismis na maririnig. Ang pakikipagtulungan sa mga kaanak ay mahalaga. Lucky numbers at color of the day ay 7, 16, 20, 33 at garnet red.
TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Lalong mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Ang pakikipagtulungan sa minamahal ay magiging kapaki-pakinabang. Mahalagang pagtuunan ng panahon ang kaanak. Lucky numbers at color of the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.
GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Ang dating hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapan na ihanap ng solusyon. Posible ang isang magandang balita na hatid ng isang kaibigan. Lucky numbers at color of the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green.
- Latest
- Trending














