Hulyo 11, 2008
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) - Ang gawaing pisikal ay inaayunan ng panahon. Ang binabalak na sosyalan ay hindi makatutulong sa hinahangad at mag-aaksaya lamang ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 10, 16, 33 at indigo.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) - Maganda ang personalidad ngayon na aakit sa mga kaibigan lalo na sa tagahanga. Sa pag-ibig, ang may inisyal na N o W ang may lihim na paghanga at malamang na magtapat ng kanyang saloobin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 20, 37, 39 at orange.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) - Kung inaakalang hindi tama ang gagawing pagsagot sa manliligaw, makabubuting pag-isipan muna ng maraming beses bago magdesisyon. Hindi ang opinyon o suhestiyon ng iba tungkol sa pag-ibig ang dapat sundin dahil sarili ang nakataya. Lucky colors at number for the day ang 24, 27, 33, 39 at green.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) - Huwag asahan ang ibang tao ngayon. Magpakatotoo at maging tapat lalo sa sarili at siguradong magugustuhan ka ng nakararami. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 25, 36 at beige.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) - Huwag nang patagalin o palawakin pa ang alitan sa pagitan ng asawa o minamahal upang hindi na ito mauwi sa mahabang panahong walang imikan. Kailangang paminsan-minsan ay magpakumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 36, 42 at navy blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) - Isang suliraning matagal nang bumabagabag ang mareresolba. Maaaring magkaroong muli ng ibang suliranin ngunit walang maaasahang tulong kahit na kanino. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 33, 38 at violet.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) - Nakatakdang mabuo ang isang relasyon sa pagitan ng kasamahan sa trabaho o sa isang kaibigan. Kung tiyak ang sarili ay walang dahilan upang tumanggi sa inaalok. Lucky numbers at color for the day ang 16, 27, 35, 41 at magenta.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) - Huwag pairalin ang init ng ulo sa pagharap sa problema dahil hindi makapag-iisip ng magandang solusyon. Alalahaning laging nakasuporta ang minamahal kaya walang dapat ipangamba. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 38, 42 at fuchsia.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) - Huwag magdamdam kung sakaling hindi matupad ang ipinangako sa iyo. Alamin ang dahilan bago magdesisyon. Huwag basta magalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 4, 33, 41 at brown.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) - Magpakahinahon at magpasensiya kung may hindi pagkakaunawaan na malamang biglang sumulpot mula sa kasamahan o sa kasambahay. Iwasang makapagsalita ng makasasakit sa damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 22, 41 at yellow.
TAURUS (Abr. 20-May 20) - Nasa magandang pag-uusap mareresolba ang problema. Hanapin ang paraan upang manumbalik ang dating tamis at init ng pagmamahalan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 29, 40 at lavender.
GEMINI (May 21-Hun. 21) - Marami ang nakakapuna sa pagbabago ng ugali. Huwag ilagay sa ulo ang natatanggap na suwerte o katanyagan dahil mawawala ito kung ipapairal ang masamang ugali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 26, 41 at pink.
- Latest
- Trending



















