Mayo 9, 2007
May 9, 2007 | 12:00am
TAURUS (Abr. 20 - May. 20) - Harapin ang umaga na may ngiti sa labi at huwag nakasimangot. Iwasang makipagtalo sa mga magulang o mga kasamahan sa trabaho dahil may posibilidad na mangyari ito ngayon. Dahan-dahan sa paglalakad sa madudulas na lugar dahil may kahinaan ang tuhod at talampakan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 21, 24 at blue.
GEMINI (May 21 - Hun. 21) - Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi ibinibigay. Ito ay pinagsisikapan at pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigan na nakakaangat sa buhay dahil pinagsikapan nila ito. Malalampasan mo sila kung gagawin mo rin ang ginawa nila. Kaya mong gawin yan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 33, 40 at lemon green.
CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) - Makakatanggap ka ng malungkot o nakagagalak na balita sa pamamagitan ng text. Alaming mabuti bago magpaapekto at baka nag-kamali lang ang nagpadala. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipapakitang talino at sipag o pag-aayos ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) - Magkakaroon ka ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Madali itong malulutas kung pagsisikapan. Iwasan ang mataong lugar lalo na’t ang madilim na kapaligiran. Alalahanin ang responsibilidad, alagaan at itaguyod ang kapakanan ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 28, 35 at orange.
VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) - Isang suliranin ang darating at kailangan mong mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso, maging totoo at tapat sa sarili. Madaling kitain ang pera kung magsisipag ka lamang. Lucky numbers at color for the ay ang 15, 28, 32, 39 at ruby red.
LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) - Matinding selos ang mararamdaman mo. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng iyong mahal sa isang mayamang tao. Ang selos na wala sa lugar ay magdudulot ng malaking panganib sa relasyon. Basahing mabuti ang anumang papeles na kailangang lagdaan at baka malamangan ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.
SCORPIO (Okt. 23 - Nob. 22) - Luluwag ang iyong dibdib dahil sa ginawa mong pagpa-patawad sa isang taong malaki ang pagkakamali o pagkakasala sa iyo. Asal-bata ka ngayon at pati ang mga magulang mo ay nagtataka. Ito ay dahil masaya ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 38 at brown.
SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) - Mataas ang pangarap mo sa araw na ito. Kung paano mo ito sisimulan ay isang malaking palaisipan na siya mo namang ipanghihina. Iwasan ang sobrang pag-iisip at huwag masyadong magpuyat. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at ocean blue.
CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) - Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid o kasamahan. Nakatakda kang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig at pagmamahal. May isang kaibigan ang magpapautang sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.
AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) - Nasa halamang gamot ang lunas ng iyong dinadalang karamdaman at wala sa makabagong gamot. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa kaya iwasan ang gawaing ito. Huwag magdamot sa personal na gamit. Ipahiram o ipagamit ito sa nanghihiram. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 27 at apple green.
PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) - Masakit ang iyong ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o sobrang pag-inom ng alak sa nakalipas na gabi. Kung hindi ito titigilan, malaking halaga ng pera ang mapupunta sa doktor at gamot. Kalusugan ang tanging yaman na dapat pagiingatan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 31, 44 at beige.
ARIES (Mar. 21 - Abr.19) - Mahirap hanapin ang totoong taong nagmamahal. Gayunpaman darating ito sa tamang panahon at oras. Gawin ang lahat para sa minamahal subalit dapat ay may limitasyon. Huwag magmalabis na maging daan ng pag-abuso sa iyo. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay nakasasama. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 29, 37 at yellow.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended