Hulyo 13, 2006
July 13, 2006 | 12:00am
CANCER (Hun. 22 - Hul. 22) Masakit ang iyong ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o sobrang pag-inom ng alak sa nakalipas na gabi o dala ng sama ng panahon. Kung hindi mo titigilan ang pagpupuyat o pag-inom, malaking halaga ng pera ang mapupunta sa doktor. Kalusugan ay tanging yaman na dapat ingatan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 29, 31, 44 at beige.
LEO (Hul. 23 - Ago. 22) Nasa halamang gamot ang lunas ng iyong karamdaman. Gamitin ang herbal kung hindi bumuti ang pakiramdam. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa kaya baguhin ang ugali. Huwag maging madamot sa personal na gamit. Lucky numbers at color for the day ang 12, 23, 26, 27 at apple green.
VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid o kasamahan. Ito ay hindi magandang patakaran sa buhay. Nakatakda kang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig at pagmamahal. May isang kaibigan ang magpapautang sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.
LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi ibinibigay. Ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigan na nakaaangat sa kanilang buhay dahil pinagsikapan nila ito. Malalampasan mo sila kung gagawin mo rin ang ginawa nilang pagsisikap at pagsasakripisyo. Lucky numbers at color for the day ang 6, 27, 33, 40 at lemon green.
SCORPIO (Okt. 23 - Nob. 22) Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasang makipagtalo sa mga magulang, kasambahay o mga kasamahan sa trabaho dahil may posibilidad na mangyari ito sa iyo. Dahan-dahan sa paglalakad sa madudulas na lugar dahil may kahinaan ang tuhod o talampakan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 21, 24 at blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) Mahirap hanapin ang totoong nagmamahal. Gayunpaman ay darating ito sa tamang panahon at pagkakataon. Gawin mo ang lahat para sa minamahal subalit dapat may limitasyon. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay nakakasama. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 29, 37 at yellow.
CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) Isang suliranin ang lumalandas at kailangan mong mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso at maging totoo at tapat sa sarili. Madaling kikitain ang pera kung magsisipag ka lang. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at ruby red.
AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Iwasan ang mataong lugar lalo nat sa madilim na kapaligiran. Alalahanin at alagaang mabuti ang kapakanan ng pamilya bago ang iba. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 28, 35 at orange.
PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) Makakatanggap ka ng malungkot o nakagagalak na balita sa pamamagitan ng text o ibang paraan ng komunikasyon. Alaming mabuti ang balita bago magpaapekto dahil baka nagkamali lamang ang ipinadala o pinadalhan. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipinakikitang talino at sipag. Lucky numbers at color for the day ang 3, 16, 18, 38 at cream.
ARIES (Mar. 21 - Abr.19) Mataas ang pangarap mo. Kung paano mo ito sisimulan ay isang malaking palaisipan na siya mo namang ipinanghihina. Lakas ng loob ang panlaban dito upang masimulan ang binabalak na siyang magbibigay ng magandang kinabukasan. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa inaakalang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ang 7, 15, 23, 34 at ocean blue.
TAURUS (Abr. 20 - May. 20) Maluwag ang iyong dibdib dahil sa ginawa mong pagpatawad sa isang taong maliit o malaki ang pagkakasala sa iyo. Asal bata ka ngayon at pati mga magulang, kasambahay o kasamahan ay magtataka. Epekto ito ng labis na kasiyahan ng damdamin. Parang isang bilanggo ka na nakalaya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 20, 38 at brown.
GEMINI (May 21 - Hun. 21) Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng mahal sa isang mayaman o mas guwapo/guwapa kay sa iyo. Ang selos na wala sa lugar ay magdudulot ng malaking panganib sa relasyon. Basahing mabuti ang anumang papeles na kailangang lagdaan at baka ma-onse. Lucky numbers at color for the day ang 2, 24, 34, 42 at purple.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended