^

Kutob

Oktubre 25, 2005

- Madam Rosa -
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) – Positibo ang magiging pananaw at magsisimulang masagana at masaya ang araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Masaya ang samahan ng pamilya at walang problema. Huwag kalimutan ang magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-33-43 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maisasakatuparan ang gustong mangyari ngayon. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay suwerte ang isang Aries o Libra. Lucky numbers at color of the day ang 2-12-28-42 at blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mapapatunayan na naman sa sarili na may mga taong mangangako na hindi marunong tumupad dito. Kung hindi makapagpipigil, makakasagupa ang taong di-pinangarap na makabangga. Maghunos-dili. Lucky numbers at color of the day ang 2-12-28-44 at white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Aanihin ngayon ang anumang itinanim. Babalik kung ano ang ginawa. Supilin ang sobrang mapaghinala sa kapareha o kapwa. Maraming dapat pasalamatan sa biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color of the day ang 4-14-15-38 at violet.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Magiging maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstrang pera. May kaunting kalituhang mangyayari sa schedule ngunit maisasaayos din ito sa bandang hapon. Lucky numbers at color of the day ang 5-10-22-42 at orange.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Doblehin ang pag-iingat at huwag basta magtiwala sa taong may A, B at T ang unang titik ng pangalan. Magbibigay ng suwerte o galak ang taong may unang titik ang pangalan na E, D at M. Bigyang-pansin ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon at ubo. Lucky numbers at color of the day ang 8-18-32-45 at yellow.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Magiging maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan. Marami ang umaasa sa iyong magagawa kaya pag-ibayuhin ang pagganap. Huwag matakot magsabi ng tunay na saloobin. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-21-39 at scarlet.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ay tsismis at walang katotohanan at paraan lamang para ikaw ay manlamig. Ang makipagtikisan sa nakatataas ay sarili ang pinahihirapan. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-23-36 at red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang sikreto o may makakatuklas. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari. Lucky numbers at color of the day ang 2-7-14-41 at jade green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Mapagtutuunan ng pansin ang kalusugan at pag-aayos sa tahanan. Isasaayos at makapagpaplano sa mga dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya dahil dito nagkulang. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-31-43 at brown.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Iwasang magbalak pumasok sa mga aktibidad na magastos. Mabuting suriin muna ang kakayahan upang hindi mapasubo at walang pagsisihan. Mag-ingat dahil may babalang mawalan. Lucky numbers at color of the day ang 21-24-34-44 at green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– May pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresolba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi mababayaran sa tamang panahon. Lucky numbers at color of the day ang 9-18-39-44 at indigo.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGBIBIGAY

MAGIGING

MAISASAKATUPARAN

MAPAGTUTUUNAN

NUMBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with