^

Kutob

Agosto 30, 2005

- Madam Rosa -
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) – Aakuin ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid o kasamahan. Nakatakdang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig at pagmamahal. May isang kaibigan ang magpapautang sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-30-35 at gray.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi binibigay; ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigang nakakaangat sa buhay dahil ito ay kanilang pinagsikapan. Lalampasan ito kung gagawin din ang kanilang ginawa. Lucky numbers at color of the day ang 6-27-33-40 at lemon green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasang makipagtalo sa magulang at mga kasamahan sa trabaho dahil may posibilidad na mangyari ito sa iyo. Dahan-dahan sa paglalakad nang hindi madulas dahil may kahinaan ang tuhod ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-21-24 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal. Gayunpaman, darating ito sa tamang panahon at oras. Gawin ang lahat para sa minamahal subalit dapat may limitasyon. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay masama. Lucky numbers at color for the day ang 4-11-29-37 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Isang suliranin ang darating na kailangang mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso at maging totoo at tapat sa sarili. Madaling kitain ang pera kung magsisipag lamang. Lucky numbers at color of the day ang 15-28-32-39 at ruby red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Umiwas sa mataong lugar lalo na’t nasa madilim na kapaligiran. Alalahanin at alagaan ang kapakanan ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-28-35 at orange.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Makakatanggap ng malungkot na balita sa pamamagitan ng text. Alaming mabuti bago magpaapekto at baka nagkamali lamang ng padala. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipinakitang talino at sipag. Lucky numbers at color of the day ang 3-16-18-38 at cream.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Mataas ang pangarap sa araw na ito. Kung paano ito sisimulan, isang malaking palaisipan na siya mo namang ipanghihina. Huwag masyadong magpuyat. Lucky numbers at color of the day ang 7-15-23-34 at ocean blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Maluwag ang dibdib dahil sa ginawang pagpapatawad sa isang taong malaki ang pagkakasala sa iyo. Asal-bata ka ngayon kaya’t pati ang mga magulang ay magtataka sa iyong inuugali. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-20-38 at brown.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng iyong mahal sa isang mayamang tao. Ang selos na wala sa lugar ay magdudulot ng malaking panganib sa relasyon. Basahing mabuti ang mga papeles na kailangang lagdaan. Lucky numbers at color of the day ang 2-24-34-42 at purple.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Masakit ang ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o sobrang pag-inom ng alak ng nakalipas na gabi. Kung hindi ito titigilan ay malaking halaga ng pera ang mapupunta sa doktor. Kalusugan ang tanging yaman na dapat ingatan. Lucky numbers at color of the day ang 7-29-31-44 at beige.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Nasa halamang gamot ang kalunasan ng iyong karamdaman. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa. Huwag maging maramot sa personal na gamit. Lucky numbers at color of the day ang 12-23-26-27 at apple green.

vuukle comment

AAKUIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with