Hunyo 17, 2005
June 17, 2005 | 12:00am
GEMINI (May 21-Hun. 21) Hindi dapat magalit sa taong nagpapaalaala sa iyo, bagkus ay dapat pang matuwa at magpasalamat. Isipin mo kung ano ang pakiramdam kung hindi ka nila papansinin. Ang gagawin mo sa kapwa ay gagawin din sa iyo. Kung may ginawang kalokohan ay dapat nang itigil. Lucky numbers at color of the day ang 18-26-28-37 at apple green.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Ang natatabing pera ay dapat ingatan dahil darating ang pagkakataong may dagliang gastusing hindi maiiwasan. May tanong ang isang kasambahay na dapat sagutin nang maayos. Huwag itago ang nalalamang katotohanan. Lucky numbers at color of the day ang 10-24-36-40 at flame red.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Huwag sirain ang tiwalang ibinigay ng kaibigan o nakatataas sa tungkulin dahil kung magkataon ay mauunsiyami ang iyong mga pangarap. Suklian ng katapatan ang tiwalang ibinigay sa iyo dahil ito ang magiging daan ng tagumpay sa iyong buhay. Alagaan at huwag abusuhin ang kabutihang iniuukol sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 2-3-34-35 at strawberry pink.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Ang lahat ng kabutihang gagawin sa kapwa ay daan upang makatanggap ng biyaya. Ipokus ang pansin sa pag-aalaga sa mga magulang. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Huwag padala sa sulsol ng iba. Lucky numbers at color of the day ang 15-22-35-40 at scarlet.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Kung matamlay o hindi mabuti ang pakiramdam, paniningil ito sa pag-abuso sa kalusugan. Magpatingin at huwag basta uminom ng gamot. Bigyang-pansin ang mga kasambahay na hindi napag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color of the day ang 8-12-29-34 at aquamarine.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Dahil malaki ang suporta ng minamahal, mataas ang tiwala sa kakayahan ng sarili. Walang magiging problema sa lahat ng bagay sa ngayon ngunit may daranasing suliranin sa hinaharap. Lucky numbers at color of the day ang 11-13-25-37 at red.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Iwasang magpagabi sa daan. Huwag sumama sa mga kaibigan na ang hilig ay umistambay at magpagabi sa kalye. Bagaman may hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan, mas ligtas ngayon dito kaysa sa labas at nasa kalye. Lucky numbers at color for the day ang 8-12-28-30 at aquamarine.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Iwasang magsugal dahil tiyak na talo. Iwasan din ang maglasing dahil ito ang pagsisimulan ng alitan at di-pagkakaunawaan. Kung walang hanapbuhay, ngayon ang malaking pagkakataon para harapin ang paghahanap at siguradong matatanggap. Lucky numbers at color of the day ang 4-5-23-36 at navy blue.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) May dapat malaman tungkol sa sinisinta. Kailangang pag-isipang mabuti ang kahahantungan ng relasyon sa kasalukuyan. May mag-aakalang mayabang ka ngunit kung kakausapin siya ngayon ay magbabago ang tingin sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-27-41 at pink.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Panahon na para sa buhay pag-ibig naman ang bigyan ng oras. Simulan nang makihalubilo at magpaunlak sa mga sosyalan dahil dito matatagpuan ang posibleng kabiyak ng puso. Isang kaibigan ang pipilitin kang ipakilala o i-blind date at hindi siya magkakamali sa ima-match sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 2-23-38-43 at tangerine.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Kung patuloy na magsisikap, ang emotional at financial stability ay tiyak na makakamit sa hinaharap. Gamitin ang taglay na talino nang mabigyan ng mabilis na solusyon ang kasalukuyang problema at hindi umaasa sa tulong ng iba. Nasa sarili ang katugunan sa problema at wala sa iba. Lucky numbers at color of the day ang 4-17-38-42 at maroon.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Ang taglay na katangiang malambing at malumanay ay bato-balaning humahatak sa karamihan upang ikaw ay magustuhan. Subalit ang ugaling pagka-tsismosa at pakialamera ay siya namang magtataboy palayo sa dating mga kaibigan. Baguhin ang dapat baguhin. Lucky numbers at color of the day ang 12-13-22-38 at peach.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended