^

Kutob

Hunyo 5, 2005

- Madam Rosa -
GEMINI (May 21-Hun. 21) – Isang suliranin ang darating na kailangang mamili sa dalawang taong nagmamahal sa iyo. Huwag dayain ang puso at maging totoo at tapat sa sarili. Madaling kitain ang pera kung magsisipag lamang. Lucky numbers at color of the day ang 15-28-32-39 at ruby red.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Mahirap hanapin ang totoong pagmamahal. Gayunpaman, darating ito sa tamang panahon at oras. Gawin ang lahat para sa minamahal subalit dapat may limitasyon. Ang anumang bagay na sobra o kulang ay masama. Lucky numbers at color of the day ang 4-11-29-37 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22) –
Harapin ang umaga na may ngiti sa labi. Iwasang makipagtalo sa magulang at mga kasamahan sa trabaho dahil may posibilidad na mangyari ito sa iyo. Dahan-dahan sa paglakad lalo sa madudulas na lugar dahil may kahinaan ang tuhod. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-21-24 at blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Ang pag-asenso ng isang tao ay hindi ibinibigay, ito ay pinaghihirapan. Huwag mainggit sa mga kaibigan mong nakakaangat sa buhay dahil pinagsikapan nila ito. Lalampasan sila kung gagawin mo rin ang ginagawa nila. Lucky numbers at color of the day ang 6-27-33-40 at lemon green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Aakuin mo ang responsibilidad na dapat ay sa iyong kapatid. Nakatakdang magsakripisyo alang-alang sa pag-ibig at pagmamahal. May isang kaibigan na magpapautang sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-30-35 at gray.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
Nasa halamang gamot ang kalunasan ng karamdaman. Magiging balakid sa pag-asenso ang ginagawang panlalamang sa kapwa. Huwag maging maramot sa personal na gamit. Lucky numbers at color of the day ang 12-23-26-27 at apple green.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Masakit ang ulo sanhi ng sobrang pagpupuyat o sobrang pag-inom ng alak sa nakalipas na gabi. Kung hindi ito titigilan, malaking halaga ng pera ang mapupunta sa doktor. Kalusugan ang tanging yaman na dapat ingatan. Lucky numbers at color for the day ang 7-29-31-44 at beige.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Matinding selos ang mararamdaman. Ito ay bunga ng pakikipagkaibigan ng mahal sa isang mayamang tao. Basahing mabuti ang anumang papeles na kailangang lagdaan. Lucky numbers at color of the day ang 2-24-34-42 at purple.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Maluwag ang dibdib dahil sa nagawang pagpapatawad sa isang taong malaki ang pagkakasala sa iyo. Asal-bata ngayon kaya’t pati mga magulang ay magtataka sa inaasal. Lucky numbers at color of the day ang 9-14-20-38 at brown.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Mataas ang pangarap sa araw na ito. Kung paano ito sisimulan, isang malaking palaisipan na siya namang ipanghihina. Huwag masyadong magpuyat. Lucky numbers at color of the day ang 7-15-23-34 at ocean blue.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Makakatanggap ng masayang balita sa pamamagitan ng text messaging. Alaming mabuti ang lahat bago paapekto o baka na-wrong send lamang. Maraming hahanga sa iyo dahil sa ipinapakitang talino at sipag. Lucky numbers at color of the day ang 3-16-18-38 at cream.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Magkakaroon ng kaunting problema sa pananalapi o ibang pangangailangan. Umiwas sa mataong lugar lalo na’t madilim ang kapaligiran. Alalahanin at alagaan ang kapakanan ng pamilya. Lucky numbers at color of the day ang 9-15-28-35 at orange.

vuukle comment

AAKUIN

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with