^

Kutob

Abril 05, 2005

- Madam Rosa -
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) – Maraming nais gawin at kadalasan ay mahilig magsimula sa isang bagay at pagkatapos ay bibitiwan nang hindi tapos na siyang mangyayari ngayon. Simulan ang pagdisiplina sa sarili. Ang masamang gawi ay nagpapababa sa iyong pagkatao. Lucky numbers at color of the day ang 3-15-35-42 at ocean blue.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Kung hindi sasamantalahin ang oportunidad, maiiwanan ng mga kasamahan sa pag-asenso sa trabaho. Doblehin ang sipag at pagsisikap. Huwag tutulug-tulog dahil sa paulit-ulit ang ginagampanang trabaho, makakaranas ng pagkabagot kaya’t maghanap ng paraan upang mabago ang ginagampanang gawain. Lucky numbers at color of the day ang 8-9-13-31 at tangerine.

GEMINI (May 21-Hun. 21)
– Mahihirapang makitungo sa mga nakapaligid sa iyo ngayon. Makabubuting ipokus ang iyong atensyon sa ginagawa o sa mga gawaing-bahay. Hangga’t maaari ay iwasang makisalamuha sa grupo o kwentuhan dahil mapipikon lamang. Lucky numbers at color of the day ang 31-34-37-42 at blue sapphire.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Huwag hayaang masira ang pagkatao nang dahil sa ambisyong mapaangat sa trabaho o sa kinang ng pera. Tiyaking ang pagkaing hinahanda sa hapag-kainan ay nanggaling sa malinis at marangal na kita. Malamang makipagtalo sa isang malapit na kasamahan. Lucky numbers at color of the day ang 11-19-37-42 at yellow.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Tanggihan ang isang pakiusap ng kasamahan, kaibigan o kamag-anak dahil kung pauunlakan ay pagsisisihan. Kung nagmamaneho, malamang makipagtalo sa traffic enforcer. May kakaharaping pagsubok at makabubuting ituring na lamang itong isang magandang aral. Lucky numbers at color of the day ang 6-8-29-39 at jade green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Ang dapat ngayong pag-ukulan ng atensyon ay may kaugnayan sa negosyo o trabaho. Iilang mga detalye ang dapat bigyan ng prayoridad upang mapag-aralan ang ilang aspeto na hindi nabigyan ng pansin. Maaaring isang pagpupulong o sosyalan ang mapuntahan sa gabi. Lucky numbers at color of the day ang 14-20-26-39 at pink.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Dahil sa impluwensya ng pag-ibig, magiging masayahin ngayon. May positibong pagbabago sa mga galaw nang dahil sa pag-ibig. Ang problema sa tahanan o personal ay hindi mawawala ngunit magaan itong dalhin. Hindi ngayon matatamo ang suwerte sa kalakal. Lucky numbers at color of the day ang 2-18-28-38 at dollar green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Posibleng maging maramdamin sa araw na ito ngunit magiging mahusay sa pangangatwiran. Maganda ang takbo ng lovelife kaya ang pakiwari ay nasa tuktok ng daigdig. Bigyan ng kaukulang pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 12-17-22-27 at beige.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Maganda at tugma ang panahon sa pananalapi. Ihanda ang sarili sa sorpresang matatanggap subalit hangga’t maaari ay iwasang makipag-date. Iwasan ang pagbiyahe sa malayo at kung nagmamaneho ay lubos na pag-iingat ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 19-33-37-38 at maroon.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Para sa ikakaganda ng relasyon, pang-unawa at pasensya ang dapat ipairal sa tuwina. Magiging abala sa araw na ito subalit masaya naman ang mararamdaman. Hindi man mapasakamay ang lahat ng gusto, maituturing pa ring ikaw ay mapalad. Lucky numbers at color of the day ang 4-5-33-42 at white.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Kung may gagawing paglalakbay, ituloy ito sa umaga nang walang maging sagabal. Ang biyahe sa hapon ay magkakaroon ng kaabalahan. Upang makatiyak sa iyong hinala, tutukan ang pagsubaybay. Huwag magpabigla-bigla ng desisyon. Lucky numbers at color of the day ang 12-17-19-37 at aquamarine.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Harapin nang matatag at mag-isa ang hamon sa buhay dahil wala kang makukuhang suporta kahit kanino. Sariling kayod ka ngayon. Huwag mag-alala dahil kung magiging matatag, tiyak malalampasan ang anumang problema. Lucky numbers at color of the day ang 14-20-33-40 at scarlet.

COLOR

DAHIL

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGANDA

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with