^

Kutob

Agosto 13, 2003

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Magpapakita ng pagkabahala ang isang kaibigan na matagal nang may lihim na damdamin. Makakabuting pahalagahan ang katapatan at tiwala ng isang malapit na kaibigan kaysa bagong kakilala. Huwag magtiwala sa bagong kakilala. Lucky numbers at color of the day ang 9-12-25-31 at yellow gold.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23) –
Alam ng sarili kung ano ang makakasama sa kalusugan. Huwag ipagwalambahala ang nararamdaman at huwag basta iinom ng gamot bagkus ay magpatingin muna sa doktor. Iwasan ang tsimisan at huwag padala sa emosyon. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-26-37 at apple green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) –
Kung gustong matupad ang binabalak, kailangan ang sipag at tiyaga. Huwag mangarap nang labis dahil masasaktan lamang kung mabigo. Taas-noo mong harapin ang anumang balakid na darating. Magpakahinahon dahil kung hindi ay init ng ulo ang iiral. Lucky numbers at color of the day ang 6-20-31-43 at lavander.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) –
May mga suliranin ang kasambahay na dapat pakialaman upang agarang mabigyang-lunas. Ordinaryo ang takbo ng mga bagay at gawain. Ang suliranin sa relasyon ay magkakaroon ng solusyon. Lucky numbers at color of the day ang 3-15-27-40 at pearl white.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) –
Huwag balewalain ang pagsisikap dahil nasa tamang landas ng tagumpay. Ang tagumpay sa negosyo ay lamang ngayon. Ang kalusugan ay dapat bigyan ng tamang pansin at pangangalaga. Lucky numbers at color of the day ang 8-12-28-39 at lemon green.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) –
Nasa pagitan ng gahol sa oras sa pamilya at trabaho. Nasa desisyon kung ano ang dapat gawin. Gamitin ang kutob dahil malakas ang ESP. Ang problema ay mahahanapan ng solusyon sa pamamagitan ng tulong ng kaibigan o kaanak. Lucky numbers at color of the day ang 5-17-30-42 at tangerine.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) –
Kung may binabalak ay isagawa kaagad at may positibong resulta. Ang pagdalo sa isang seminar ay magdudulot ng karagdagang kaalaman sa binabalak na negosyo. Lucky numbers at color of the day ang 4-29-32-38 at blue.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20) –
Maraming oportunidad ang panahon kaya huwag magpabaya nang may mapala. Iwasang patangay sa init ng damdamin dahil dadalhin nito sa kapahamakan. Iwasang sumama sa barkada nang malayo sa gulo. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-15-29 at scarlet.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19) –
Huwag maniwala sa mga tsismis na maririnig. Makakabuting tiyakin ang lahat bago magdesisyon dahil nasa pagitan ng pagkakamali at tama. Walang mawawala kung aalamin muna ang detalye bago magpasya. Lucky numbers at color of the day ang 7-10-19-37 at fuschia pink.

TAURUS (Abr. 20-May 20) –
Huwag magpadalus-dalos sa pagsasalita upang maiwasan ang makasakit sa damdamin ng kapwa. Maaaring maging ugat ng pagkainis ang mga usapan ng tao sa paligid. Iwasang magmura at madaling mag-init ng ulo. Lucky numbers at color of the day ang 2-20-31-40 at strawberry red.

GEMINI (May 21-Hun. 21) –
Huwag ipagwalambahala kung may matanggap na babala nang makaiwas sa kapahamakan. Ang inspirasyon sa pag-ibig o gawain ay magdudulot ng lakas at liksi sa pagkilos. Malulutas ang problema. Lucky numbers at color of the day ang 6-18-25-32 at oak brown.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22) –
Kung sipag ang gagamitin, tiyak matatamo ang tagumpay na pinapangarap. Matamis na bunga ang pipitasin mula sa pagsisikap sa tungkulin. May sorpresang matatanggap. Lucky numbers at color of the day ang 8-10-29-45 at sky blue.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

IWASANG

KUNG

LUCKY

MAKAKABUTING

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with