^

Kutob

Enero 20, 2003

- Madam Rosa -
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) – Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan at paraan lamang ng naiinggit para ikaw ay manlamig. Ang makipagtikisan sa nakatataas ay sarili rin ang mahihirapan. Lucky numbers at color for the day ang 2-6-25-36 at green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Iwasan ang magbalak pumasok sa mga aktibidad na magastos. Mabuting suriin muna ang budget upang hindi mapasubo at walang pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ang 21-24-30-39 at brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Pagtuunan ng pansin ang kalusugan at pag-aayos sa tahanan. Isaayos at iplano ang dapat gawin. Pag-aralan ang aspetong pang-ekonomiya ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 4-8-31-39 at gold.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa na nakaatang sa iyong balikat. Huwag matakot magsabi ng tunay na nadarama. Lucky numbers at color for the day ang 9-17-21-33 at scarlet.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Doblehin ang pag-iingat at huwag basta magtiwala sa taong may A, E o M ang unang titik ng pangalan. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang taong may unang titik na B, N o W. Bigyang-pansin ang kalusugan. Lucky numbers at color for the day ang 9-18-21-36 at pink.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– May ilang pagbabago sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag na sikreto o may makatutuklas dito. Mapagtutuunan ng pansin ang pinag-ugatan ng maling balita o pangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 3-6-14-18 at jade green.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maisasakatuparan ang gustong mangyari ngayon. Malakas ang angking ESP kaya sundin ang kutob at tiyak hindi magkakamali. Magbibigay ng suwerte ang isang Virgo o Gemini. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-28-35 at sky blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Magiging maganda ang aspetong pinansyal. Magkakaroon ng pagkakataong kumita ng ekstrang salapi. May kaunting kalituhan na mangyayari sa iyong schedule ngayon ngunit maisasaayos din naman ito sa bandang hapon. Lucky numbers at color for the day ang 6-10-21-35 at yellow.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Aanihin ngayon ang anumang itinanim. Babalik ang lahat na nagawa. Supilin ang sobrang mapaghinala sa kapareha at kapwa. Maraming dapat pasalamatan sa biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ang 8-14-15-37 at violet.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Positibo ang magiging pananaw at magsisimula ang masagana at masayang araw. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag kalimutan ang magpasalamat sa Diyos sa tinatamasang biyaya. Masaya ang samahan ng pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 7-13-27-36 at red.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– May pag-uusapan tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresolba ng suliranin. Mapapadagdag sa problema ang perang hiniram na hindi nababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3-9-12-31 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Mapapatunayan na naman sa sarili na may mga taong nangangako na hindi marunong tumupad dito. Kung hindi makapagpipigil, makakasagupa ng taong di-pinangarap na makabangga. Lucky numbers at color for the day ang 5-12-28-39 at white.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

LUCKY

MAGBIBIGAY

MAISASAKATUPARAN

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with