^

Kutob

August 10, 2002

- Madam Rosa -
LEO (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may balak magpakasal, ngayon ito dapat pag-usapan upang tamasahin ang kaligayahan. Kung may balak lumipat ng tahanan, ngayon ito dapat isakatuparan upang maging masagana. Kung may balak namang magbukas ng negosyo, ngayon na simulan upang maging maunlad. Lucky numbers at color for the day ang 3-19-20-26 at electric blue.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Inaayunan ang pakikipagsosyalan. Sa impluwensya ng panahon, magiging masayahin at halos lahat ay walang magiging suliranin. Masaya ang pakikihalubilo sa mga kaibigan o kaanak. Lucky numbers at color for the day ang 21-29-35-39 at orange.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Pairalin ang hinahon dahil madaling magalit ngayon at mapikon sa mga biro at kantiyaw. Maghigpit sa budget. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-10-17 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Ang pagkamarunong at ismarte ay mapapansin ng nakatataas sa pinapasukan. Ang suliranin sa pag-ibig o trabaho ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at pang-unawa. Humingi ng paumanhin o tawad kung inaakalang may pagkukulang o pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 5-14-29-41 at pearl pink.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Humanap ng paraan na maging abala dahil walang gaanong gawain. Ang pangakong hindi natupad ng nakaraan ay maisasakatuparan kung pag-uukulan ng pansin at panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3-12-18-42 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Trabaho ang siyang magiging pangunahing suliranin sa simula ng araw. Magiging mapansinin sa mga bagay na makapagpapaunlad at makakalikom ng enerhiya sa pagsisimula ng bagong hakbang sa hanapbuhay. Lucky numbers at color for the day ang 16-19-37-42 at strawberry red.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Makakakita ng magandang pagkakataon upang magsimula ng negosyo. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Magsisimula na ang kaginhawahan ngayon sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 12-18-23-33 at ruby red.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Kahit mabagal ang simula kung dadagdagan naman ang tiyaga ay malulusutan ang suliraning pinansyal. Ilagay sa mahigpit na pagba-budget ang lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit sa mga mangungulit. Lucky numbers at color for the day ang 6-14-29-35 at aquamarine.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Ang isyu ng nakalipas ay maaaring lumitaw muli na siyang ikagagalit. Ngayon ang pagkakataong pagtuunan ng oras sa pagresolba ng suliranin sa nakaraan. Kung magiging mahinahon at hindi idadaan sa dahas ang init ng ulo, ang suliranin ay parang bula na biglang mawawala. Lucky numbers at color for the day ang 1-12-22-30 at honey yellow.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Mukhang napaka-busy kaya hangga’t maaari laanan ng panahon ang pagpapahinga alang-alang sa kalusugan. Makakaranas ng kasiglahan sa buong maghapon. Maaaring magkaroon ng panauhin. Lucky numbers at color for the day ang 11-12-38-40 at aquamarine.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Tamang panahon upang hanapan ng solusyon ang suliranin ng nakalipas. Harapin ang katotohanan na kung nagkasala, panahon na upang humingi ng tawad at magpatawad sa mga nagkasala sa iyo. Tiyak na may kaunlaran ang buhay kung magiging mapagkumbaba. Lucky numbers at color for the day ang 10-22-24-30 at brown.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ay malamang magkaroon ng landas sa pagkakaunawaan. Ang nakaraan ay manunumbalik. Ang alitan ng kaibigan o kasamahan ay maisasaayos kung nanaisin subalit lalala kung pababayaan. Iwasan ang magalit at magmura. Lucky numbers at color for the day ang 2-7-23-39 at blue.

ALAM

COLOR

DAY

HUL

KUNG

LUCKY

MAGIGING

NUMBERS

OKT

PEB

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with