^

PM Sports

Easy Does It bumandera sa PCSO race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Impresibo ang ipinakitang takbo ng Easy Does It nang angkinin nito ang korona sa 2026 PCSO Anniversary race na inilarga sa pista ng Philippine Jockey Club noong Linggo sa Padre Garcia, Batangas.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Kings Cup upang hawakan ang bandera, nasa pangalawa ang King James, habang kulelat ang Easy Does It sa kabuuang pitong kabayong kasali.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay nasa apat na kabayo ang lamang ng Kings Cup sa pumapangalawang King James at nasa tersero ang Jungkook.

Papalapit ng far turn ay umungos lalo ang Kings Cup sa pitong kabayong agawat sa King James, pero ang lakas ng dating ng Easy Does It at unti-unti na itong lumalapit sa unahan.

Pagsapit sa huling kurbada ay magkapanabayan na sa unahan ang Kings Cup at Easy Does It at sa rektahan ay umungos na rin ang winning horse ng apat na kabayo.

Tinawid ng Easy Does It ang meta na may 10 ka­bayong distansya sa pumangalawang Kings Cup, ter­sero ang Midnight Bell, habang pumang-apat ang Jungkook sa karerang inisponsoran ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinakyan ni jockey Jomer Estorque, inirehistro ng Easy Does It ang tiyempong 1:52.4 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ang P900,000 premyo.

Nakopo ng Kings Cup ang P300,000, habang may P150,000 at P75,000 ang third at fourth placers na Midnight Bell at Jungkkok, ayon sa pagkakasunod.

 

PCSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with