Kelot dedo sa tomboy

Nahuli kasama ang GF sa condo
MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki nang saksakin ng isang tomboy nang madatnang kasama ng kaniyang nobya sa loob ng condominium unit sa Las Piñas City, iniulat kahapon.
Kinilala ang nasawi na si John Patrick A Bencio, nasa hustong gulang.
Isinailalim na sa inquest proceedings sa Las Piñas Prosecutors Office sa reklamong homicide ang suspek na si Erica Malbacias Galasinao, 32, project engineer, residente ng Alabang, at Almanza Uno, Las Piñas City.
Sa ulat, dakong alas- 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang condominium sa Almanza 1 Las Piñas City.
Nabatid na umuwi ng condominium ang suspect kung saan nasorpresa ito nang madatnan ang biktima na nasa loob ng condo unit kasama ang nobya ng suspek.
Nauwi sa pagtatalo ang insidente hanggang sa saksakin umano ng tomboy ang lalaki .
Mismong ang suspek pa ang nagsugod sa pagamutan sa biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.
Sa ospital, inaresto na ang suspek ng mga tauhan ng Sub-Station 5 at narekober ang ginamit na patalim.
- Latest



















