^

Pang Movies

Karylle, pasok sa Die Beautiful!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Karylle, pasok sa Die Beautiful!
Karylle

Kabilang si Karylle sa inaabangang theater production na Die Beautiful: The Musical, na nakatakdang ipalabas sa 2027.

Gaganap si Karylle bilang si Beth, habang ang drag superstars na sina Maxie Andreison at Viñas Deluxe naman ang gaganap bilang si Trixie.

Si Karylle na nakilala sa Philippine pop culture bilang si Sang’gre Alena sa hit telefantasya na Encantadia noong 2005 ay isa rin sa mainstays ng noontime show na It’s Showtime, na nagdiriwang ng ika-17th anniversary.

Ipinalabas ang pelikulang Die Beautiful noong 2016. Ginampanan ni Paolo Ballesteros ang papel ni Trisha, na nagbigay sa kanya ng ilang best actor awards kabilang na ang 2016 Tokyo International Film Festival.

Hollywood actor, pumanaw sa edad na 93

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Tom Skerritt sa edad na 93.

Sa loob ng anim na dekada sa showbiz, lumabas siya sa mga pelikulang MASH, Alien, Top Gun, A River Runs Through It, Steel Magnolias at Ted, at sa TV series na Picket Fences. Co-founder din siya ng TheFilmSchool sa Seattle para suportahan ang next generation ng filmmakers.

Ayon sa kanyang pamilya, pumanaw si Skerritt noong Miyerkules because of  natural causes.

Ipinanganak noong 1933 sa Detroit, Michigan, nagsilbi muna si Skerritt sa US Air Force bago pasukin ang pag-arte. Nag-debut siya sa pelikula noong 1962 kasama si Robert Redford sa War Hunt at muling nakasama ito sa A River Runs Through It noong 1992 kasama si Brad Pitt.

Sumikat siya bilang US army surgeon na si Duke Forrest sa 1970 comedy na MASH. Gumanap din siya kasama si Sigourney Weaver sa sci-fi classic na Alien noong 1979.

Sa TV, nanalo siya ng Emmy Award noong 1993 para sa drama series na Picket Fences.

KARYLLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with