PSC buhos suporta para kay Eala

MANILA, Philippines — Handa ang Philippine Sports Commission (PSC) na ibuhos ang lahat ng suportang kailangan ni Alex Eala na paboritong magkampeon sa 2026 Asian Games tennis event na gaganapin sa Nagoya, Japan.
Posibleng mapatawan ng penalty si Eala sa oras na sumabak ito sa Asian Games.
Ito ay dahil hindi ito maglalaro sa mandatory event ng WTA na Beijing Open na tatama sa parehong petsa ng Asian Games.
Dahil dito, mapapatawan si Eala ng multa at ilan pang penalty.
Kaya naman handa si PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio na suportahan si Eala anuman ang desisyon nito.
Nakikipag-ugnayan na si Gregorio kina POC president Bambol Tolentino at Philta secretary general John Rey Tiangco.
“The PSC is in close coordination and communication with POC President Bambol Tolentino and PHILTA Secretary General Mayor John Rey Tiangco. They have informed me that the official request has already been submitted to the WTA,” ani Gregorio.
Sumulat na ang Philta sa WTA para bigyan ng exemption si Eala lalo pa’t maglalaro naman ito para sa national team.
“Rest assured of the PSC’s all-out support. We will continue to assist Alex, PHILTA, and the POC in every way we can,” ani Gregorio.
Wala pang desisyon ang WTA sa request ng Philta.
Saludo ang PSC sa desisyon ni Eala na unahin ang national team sa halip na maglaro sa Beijing Open na isang WTA 1000 event.
Dumating na sa May?ila si Eala para makapagpahinga ng ilang araw bago sumabak sa Singapore Open.
- Latest
















