^

Metro

3 Indian, Iranian dinakma ng BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
3 Indian, Iranian dinakma ng BI
Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato S. Manahan Jr., ang unang operasyon ay isinagawa sa Cainta, Rizal, alinsunod sa Mission Order No. 2026-324 na inilabas noong Setyembre 4 na ikinaaresto ng dalawang Indian national na sina Lamber Singh, 43, at Ranjodh Singh, 27, kapwa mga mamamayang Indian.
immigration.gov.ph

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division ang apat na dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon sa Rizal, Quezon City, at Mandaluyong City noong Setyembre 7 dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga batas ng imigrasyon sa Pilipinas.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato S. Manahan Jr., ang unang operasyon ay isinagawa sa Cainta, Rizal, alinsunod sa Mission Order No. 2026-324 na inilabas noong Setyembre 4 na ikinaaresto ng dalawang Indian national na sina Lamber Singh, 43, at Ranjodh Singh, 27, kapwa mga mamamayang Indian.

Si Lamber ay umano’y mapanlinlang na nakakuha ng resident visa, habang si Ranjodh ay itinuturing nang undocumented alien. Pareho silang naiulat na sangkot sa mga aktibidad na “5-6” lending.

Samantala, sa Fairmont Park Subdivision sa Que­zon City, inaresto ng BI agents si Kulwinder Singh Gill, 36, isa rin Indian, na isa ring nagpapautang ng 5-6 at idineklarang undocumented alien matapos na makansela ang kanyang visa. 

Nadakip din ang Iranian national na si Saeid Bahadoran Baghbaderani, 33, sa Sto. Cristo, Highway Hills, Mandaluyong City, alinsunod sa Mission Order No. 2026-325 dahil sa umano’y pandaraya at maling representasyon sa kanyang dating work visa, hindi kanais-nais na paggamit, at hindi pagbibigay-alam sa BI tungkol sa kanyang pagbabago ng tirahan.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with